ISINAGAWA ang groundbreaking ceremony ng Emilio Jacinto Elementary School msa Tondo sa pangunguna nina Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo.
Ibinalita ito ni Mayor Lacuna sa kanyang FB page, “Masaya ko pong ibinabalita sa inyo na sisimulan na ang pagtatayo ng six storey building ng Emilio Jacinto Elementary School sa Tondo. Ito ay inaasahan na mas makakapagbigay ng inspirasyon sa ating mga estudyante at mga guro na makapagbigay ng dekalidad na edukasyon para sa ating mga Batang Manileño.”
Ayon sa alcalde, magkakaroon ito ng 25 fully-airconditioned classroom, mga science laboratories, medical and dental clinic, faculty room, information and communications technology room, social hall, roof deck kung saan maaaring maglaro ng outdoor sports ang ating mga mag-aaral. At higit sa lahat, mayroon itong dalawang elevator units.
“Hangad namin na mabigyan ng dekalidad na edukasyon ang ating mga mag-aaral sa Maynila, sa tulong ng ating mga kaagapay sa Kagawaran ng Edukasyon ay patuloy nating ibibigay, sa abot ng ating makakaya, ang tapat at sapat na serbisyo ng ating pamahalaan,” dagdag ni Lacuna.