31.5 C
Manila
Sabado, Nobyembre 23, 2024

Pagpapaunlad ng industriya ng tela sa bawat rehiyon sa bansa, tinutukan ng DoST-PTRI

- Advertisement -
- Advertisement -

PINAGTUUNANG-PANSIN ng Department of Science and Technology-Philippine Textile Research Institute (DOST-PTRI) ang kahalagahan ng pagpapaunlad ng industriya ng tela ng iba’t ibang rehiyon sa katatapos lamang na Philippine Handloom Weaving Conference, Lungsod ng Iloilo.

Kuha ng  DOST-PTRI sa ginanap na 2023 National Science, Technology, and Innovation Week sa Iloilo City

Kasabay ng pagdiriwang ng 2023 National Science, Technology, and Innovation Week na sa kauna-unahang pagkakataon ay ginanap sa labas ng National Capital Region, kinilala rin ng ahensya ang tungkulin ng iba’t ibang sektor upang tuluyang mapayabong ang mga produkto at kabuhayan ng mga manggagawa sa industriya, maging sa labas ng siyudad.

We are often complaining that development happens only in what we refer to as imperial Manila, or in the more developed parts of the country. And here in our theme, we emphasize there should be inclusivity,” ani DoST VI Regional Director Rowen Gelonga. “Dapat walang maiiwan. So dapat lahat ng mga regions will be developed when it comes to this sector and beyond,  even the weaving sector.”

Binigyang-diin din ni Gelonga ang pangangailangang pasiglahin ang mga industriya ng mga rehiyon upang maidikit ang agwat ng kinikita ng mga manggagawa mula sa Visayas at Mindanao gaya ng mga nasa Kalakhang Maynila.

This [disparity in income] cannot go on forever. We have to develop the regions. We have to develop the countryside,” dagdag niya.


Tungkulin ng lokal na pamahalaan

Mahalaga rin ang suporta mula sa lokal na pamahalaan upang mapanatiling buhay ang industriya ng Hablon sa munisipalidad ng Miagao, Iloilo, ani Mary Diane Flordeliza, tourism officer at kinatawan ni Miagao Mayor Oscar Serag Garin, Jr. para sa ginanap na pagpupulong.

Ang Hablon ay isang uri ng tradisyunal na tela na hinabi gamit ang handloom at kadalasang gawa sa mga hibla ng piña, cotton, at abaca na kilala sa Iloilo.

Ayon kay Flordeliza, ang pagkakaroon ng walong weaving center, pagbuo ng Miagao Weavers Association, at ang pagbibigay ng kabuhayan sa mga manghahabi, lalo na sa mga kababaihan, ay nakatutulong sa pagpapaunlad ng industriya ng Hablon sa lalawigan.

- Advertisement -

“Isa pong pride namin ‘yung aming mga weavers ay very active… For example, when we invite them sa mga seminars, meetings, they really respond to it positively,” ani Flordeliza. “They are really interested in growing and improving the industry.

Ngunit hindi maipagkakaila ang kakulangan sa mga materyales, kapital, at mga manghahabi  sa paggawa ng Hablon, kung kaya’t nahihirapan din silang makipagsabayan sa pangangailangan ng mga mamimili sa loob at labas ng bansa, ani Flordeliza.

Dagdag pa niya, plano ng lokal na pamahalaan na isama ang paggawa ng Hablon sa mga technical-vocational courses upang maibalik ang interes ng kabataan sa paghahabi at magdagdag pa ng mga tulong pinansyal upang maipagpapatuloy ang pagpapaunlad sa industriya.

Samantala, isa sa mga inisyatiba ng Department of Trade and Industry (DTI) ay ang Regional Inclusive and Innovation Center na layong pag-ugnayin ang iba’t ibang sektor ng bansa, kasama na ang mga lokal na pamahalaan, akademya, mga mamumuhunan, at marami pang iba, upang magtulungang paunlarin ang industriya sa mga rehiyon sa usaping pangkabuhayan.

Through this, we can build the local innovation system from which would emerge innovation, research, [and] commercialization. New products, new services, and new business models that address industry and societal issues, thereby generating better employment opportunities, more entrepreneurial activities, and sustainable economic prosperity in the country’s regions,”  paliwanag ni Ma. Dinda Tamayo, DTI provincial director ng Iloilo.

Digitalisasyon at ang industriya ng tela

- Advertisement -

Ipinaliwanag din sa pagpupulong ang proyekto ng ahensya na naglalayong gawing digital ang industriya ng handloom weaving sa bansa bilang proteksyon sa kultura at disenyo ng mga lokal na manghahabi, upang tiyaking maipapasa ito sa mga susunod pang henerasyon.

“Yung mga traditional textiles natin, our mode of transfer is from generation to generation, and I think hindi naman nila ipinagkakait na other generation of weavers would also know how to weave their own designs,” saad ni Jenneli Caya, supervising science research specialist ng DoST-PTRI.

Nakapaloob sa proyekto ang pagbuo ng registry para sa mga manghahabi, partikular na ang mga nasa impormal na sektor, paglagay ng mga hinabing disenyo sa digital platform, at pagtibayin ang seguridad laban sa mga imitasyon.

The digitized fabric patterns are not available [to the] public. The terms of this will be consulted, kaya tayo mayroong technical working group ng handloom weaving in the Philippines. And at the same time, with the representative weavers on board, kasama rin po kayo [mga manghahabi] sa pag-decide if you want to make it public to your education systems or even to your market,” ani Caya. (Kristine Erika L. Agustin, DOST-STII)

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -