31.8 C
Manila
Martes, Nobyembre 26, 2024

37 mag-aaral sa Marinduque, sumailalim sa SPES orientation

- Advertisement -
- Advertisement -

NAGSAGAWA ng oryentasyon para sa 37 benepisyaryo ng Special Program for the Employment of Students (SPES) ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa lalawigan ng Marinduque, kamakailan.

Sa naturang oryentasyon ay binigyang diin ni DoLE-Marinduque SPES focal person Ryan Abetria ang layunin ng programa gayundin ang mga kinakailangang dokumento at responsibilidad ng isang benepisyaryo kung saan sila ay nakatakdang i-deploy sa iba’t ibang barangay at mga tanggapang panlalawigan.

Ipinabatid din ni Abetria na makalipas ang 20 araw na pagtatrabaho, ang mga mag-aaral ay inaasahang makatatanggap ng sahod na aabot sa halagang P9,671.8 o P483.59 kada araw maliban pa sa insurance mula sa Government Service Insurance System o GSIS.

Dumalo naman sa gawain sina Livelihood Manpower Development & Public Employment Service Office (LMD-PESO) Manager Alma Timtiman, DoLE Admin Aide Montecarlo Jao, Chief Administrative Officer Rolando Larracas at iba pang opisyal mula sa pamahalaang panlalawigan.

Ayon kay Timtiman, ang mga maswerteng benepisyaryo ay mula sa 350 na aplikante na sumailalim sa masusing proseso kabilang na ang interview at pagcheck ng mga requirement.

Ang SPES ay nabuo sa ilalim ng Republic Act No. 7323 na naglalayong makapagbigay ng pansamantalang trabaho sa mga kabataang nangangailangan ng tulong pinansyal upang masuportahan ang kanilang pag-aaral at maging produktibo habang nakabakasyon sa paaralan. (PIA Mimaropa – Marinduque)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -