27.7 C
Manila
Lunes, Pebrero 3, 2025

722 pamilya sa Oriental Mindoro, napagkalooban ng livelihood settlement grant

- Advertisement -
- Advertisement -

MULING namahagi ng Livelihood Settlement Grant (LSG) ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Mimaropa sa mga naapektuhan ng insidente ng oil spill sa lalawigan ng Oriental Mindoro noong Nobyembre 20 at magtatapos ng Nobyembre 24.

Larawan mula sa DSWD Mimaropa

Ito ang ikalawang bugso ng pamamahagi sa lalawigan kung saan sa unang araw ay 722 pamilya na ang napagkalooban ng naturang tulong pinansyal.

Umabot sa P7.2M ang kabuuang halaga na natanggap ng mga apektadong pamilya mula sa mga bayan ng Roxas at Bulalacao.

Ang bawat kwalipikadong benepisyaryo ay tumanggap ng halagang P10,000 bilang puhunan sa napiling kabuhayan ng mga ito.

Matatandaan na una nang nakapagkaloob ang ahensiya sa lalawigan noong nakaraang linggo, kung saan 942 na pamilya mula sa iba’t ibang bayan ang napagkalooban ng higit P10M na tulong pinansyal na kanilang magagamit na pangtustos pang araw-araw na pamumuhay o di kaya naman sa negosyo na kanilang napiling simulan.

Samantala, nasa 4,622 pa ang nakahanay na pamilya sa Oriental Mindoro ang nakatakdang bigyan ng tulong pinansyal ng ahensiya. (JJGS/PIA Mimaropa – Oriental Mindoro)

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -