26.8 C
Manila
Lunes, Enero 20, 2025

White Christmas sa Park Inn by Radisson Davao

- Advertisement -
- Advertisement -

MASAYANG sinalubong ng SM Hotels and Conventions Corporation’s (SMHCC) Park Inn by Radisson Davao ang kapaskuhan noong Nobyembre 9, 2023 nang idaos nito ang Christmas Tree Lighting na nagpaliwanag sa buong hotel.

Sa pagpasok pa lang ng mga guests ng hotel, sasalubungin sila ng napakagandang walong-talampakang Christmas tree, na napapalamutian ng malalaking puting Christmas balls, na may ginto at pilak na accents. Nakalagay sa gitna ng mga poste, na may bench sa harapan, picture-perfect ito at halos tumugon sa theme ng hotel na White Christmas.

Binati ng team ng Park Inn by Radisson Davao na pinangunahan ni General Manager Sven Toune ang mga guests mula sa Department of Tourism Region XI Regional Director Tanya Rabat-Tan at Officer in Charge of the Davao City Tourism Office Jennifer Romero. Dumalo rin ang mga government executives, city councilors, foreign consuls, city tourism officials at mga stakeholder, SM executives, corporate guests, at media friends, na nakasuot ng puti.

Nagsimula ang gabi sa nakahahalinang performance ng En Avant Dance & Arts Centre nang isayaw nila ang Sugarplum Fairy Variation mula sa The Nutcracker – Tchaikovsky, na sinabayan ng euphonious melodies ng strings and quartets mula sa Dolce Chordarum Strings. Nagpahayag naman ng maligayang pagbati ng kapaskuhan si  GM Toune at Director Rabat-Tan.


“This year, we are celebrating the theme of a ‘White Christmas’ with our tagline, ‘Cherish the Bliss of Christmas.’ We invite our guests and visitors to immerse themselves in a White Christmas – the Park Inn by Radisson Davao way, filled with wonder and enchantment. We also look forward to hear stories of your memorable and feel good moments created in the walls of this hotel” pagbabahagi ni GM Toune.

Ang Pasko ay panahon ng pagbibibigayan, pagpapakita ng kabaitan at pagbabahagi ng kasiyahan kung kaya’t ganon din ang ginagawa ng Park Inn by Radisson Davao. Itutuloy ng hotel ang pagbibigay ng kasiyahan sa komunidad bilang bahagi ng Radisson Cares project ng hotel. Inilunsad nito sa ikatlong taon ang Cookie for a Cause. Bahagi ng pagbibilhan ng mga cookie ay ibibigay sa Davao School for the Blind. Ang mga cookie ay maaari nang mabili hanggang Enero 6, 2024 sa  Christmas Store ng hotel.

Ang inaabangang Christmas Tree lighting ay pinangunahan ni GM Sven Toune, Tanya Rabat-Tan, at Dr. Maria Margaret Misa Antonio, chairwoman of the Board of Trustees for the Davao School for the Blind, kasama ang mga opisyal ng hotel.

- Advertisement -

Ang masayang gabi ay ginanap sa all-day dining restaurant, Vanda, kung saan ang En Avant Dance & Arts Centre at Dolce Chordarum Strings ay nag-perform habang ang lahat ay masayang kumain at nagsaya.

Sundan ang Park Inn by Radisson Davao sa kanilang mga socials, @parkinnbyradissondavao sa Facebook at @parkinndavao sa  Instagram para sa magagandang offer ng hotel.

Event hashtags: #CherishtheBlissofChristmas #parkinndavao

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -