28.4 C
Manila
Lunes, Enero 20, 2025

Paano gumalaw ang piso kumpara sa ibang currencies sa Asya? Ano ang kahulugan ng paggalaw na ito sa produksyon, investment at paglikha ng trabaho?

TINGIN SA EKONOMIYA

- Advertisement -
- Advertisement -

SA paggalaw ng currency madalas mabanaagan ang lakas ng isang ekonomiya. Kapag panatag ang currency ng isang bansa, may kumpiyansa ang mga may hawak ng financial assets sa bansang ito. Panatag ang loob nila na di maapektuhan ang halaga ng mga assets nila maski madilim ang  mga alapaap sa world economy. Di masyadong magalaw ang currency maski may external risks na gumagapang sa paligid.

Dahil sa mataas ang interest rates sa Estados Unidos (USA) na dahil din sa kanilang patuloy na pakikibaka sa mataas na inflation, halos lahat ng currencies sa mundo ay nagde-depreciate kontra US dollar. Hindi nakakapagtaka na simula noong Enero patuloy ang mga pag-depreciate ng mga currencies maski na sa mga pinaka-dynamic na ekonomiya ng Asya.

Noong 2023, isa ang piso ng Pilipinas sa mga pinakamatatag na currencies sa Asya na kung saan nandito ang mga mabilis umunlad na mga bansa. Mula noong huling araw ng 2023 hanggang sa huling araw ng Oktubre, nag-depreciate ang piso ng 2 porsiyento lamang kontra sa US dollar. Kumpara sa 5.0 porsiyento na depreciation kontra US dollar ng 12 currencies sa Asya na kasama sa Table 1, ang piso ang may ikatlong pinakamababang depreciation rate.  Tanging ang Indian rupee at Hongkong dollar lang ang mas mababang depreciation sa piso.

Ang galaw ng piso ay moving in tandem kasabay sa mga malalakas na currencies sa Asya.  Ang volatility rate na nasusukat ng coefficient of variation ay 1.39 porsiyento, mas mababa kumpara sa  1.60 porsiyento na average volatility rate ng 12 bansa. Nasa ikaanim na puwesto ang Pilipinas sa volatility rate. Ang mga least volatile na currencies ay HK dollar, Chinese yuan at Taiwanese dollar samantalang ang pinaka-volatile ay ang Vietnamese dong at Thai baht.

Ang dahilan kung bakit malakas at metatag ang piso ay ang magandang economic fundamentals ng Pilipinas. Ang balance-of-payments ay may surplus na $3.2 bilyon noong huling araw ng Oktubre, equivalent sa 0.9 porsiyento ng GDP. Ang Gross International Reserves (GIR) ay umakyat sa $101.0 bilyon noong huling araw ng Oktubre, equivalent sa 7.5 months ng imports of goods and services, malaki kumpara sa 2-3 months na sufficient level ayon sa IMF. Tumaas uli ang GDP growth rate sa 5.9 porsiyento noong ikatlong quarter. Patuloy ang pagdausdos ng inflation sa 4.9 porsiyento noong Oktubre. At mas mababa ang fiscal deficit ng National Government  noong Setyembre na 3.8 porsiyento of GDP kumpara sa  target sa buong taon na 6.4 porsiyento ng GDP. Dahil sa magandang fiscal performance at ang mabilis na pag-adjust ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa monetary settings, patuloy na malakas ang investor confidence sa Pilipinas. Patuloy din ang paglikha ng trabaho at paglago ng produksyon.


 

Table 1. Asian Currency/ US$ 31-Dec-22 30-Jul-23 31-Aug-23 30-Sep-23 30-Oct-23 2023 As of October 30 Percent Change VOLATILITY July-October 2023*
China (CNY)            6.90            7.14            7.26            7.30            7.32 6.1% 0.96%
Japan (JPY)        131.12        142.29        146.24        149.37        149.10 13.7% 1.94%
India (INR)          82.74          82.25          82.79          83.04          83.26 0.6% 0.45%
Philippines (PHP)          55.74          54.90          56.60          56.58          56.87 2.0% 1.39%
Singapore (SGD)            1.34            1.33            1.35            1.37            1.37 2.2% 1.22%
Korea (KRW)     1,260.33     1,274.36     1,322.39     1,348.02     1,350.90 7.2% 2.32%
Thailand (THB)          34.61          34.23          35.05          36.57          35.93 3.8% 2.50%
Vietnam (VND)    23,633.00    23,689.00    24,085.00    24,305.00    25,565.00 8.2% 2.88%
Malaysia (MYR)            4.40            4.50            4.64            4.70            4.76 8.2% 2.07%
Indonesia (IDR)    15,573.00    15,080.00    15,241.00    15,460.00    15,885.00 2.0% 1.96%
Hong Kong (HKD)            7.80            7.90            7.85            7.83            7.83 0.4% 0.36%
Taiwan (TWD)          30.73          31.46          31.86          32.24          32.41 5.5% 1.14%
Average           5.0% 1.60%
SOURCE: BLOOMBERG
*/ Coefficient of variation
- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -