PINAGTIBAY ng mga tripartite partner mula sa sektor ng paggawa, employer, at pamahalaan ang kanilang pangako na suportahan ang Philippine Labor and Employment Plan (PLEP) 2023-2028 tungo sa pagsasakatuparan ng mga layunin nito.
Ito ang tampok sa ginanap na 2023 National Tripartite Conference (NTC) na pinangunahan ng Department of Labor and Employment (DoLE) noong Nobyembre 16-17 sa Pasay City.
Binigyang-diin sa kumperensiya ng Kalihim ng DoLE at tagapangulo ng NTC na si Bienvenido Laguesma ang kahalagahan ng tripartismo sa relasyong-industriyal. Kanya ring ipinahayag na ang pagtitipon ay bilang suporta sa adhikain ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isang “Bagong Pilipinas” na itinatag sa prinsipyong “demokratiko, ingklusibo, participatory, responsable at consensus-driven na pamamahala.”
Pinagtibay sa dalawang araw na kumperensya ang NTC resolution na naglalaman ng tripartite statement of support at action plan.
“Kinikilala namin na ang PLEP 2023-2028 ay isang tripartite document na naglalaman ng kolektibong pagpapasiya at pangako sa pagkilos ng pamahalaan, social partner, at lahat ng iba pang stakeholder tungo sa pagsasakatuparan ng isang moderno, progresibo, ligtas, at inklusibong lipunan sa ilalim ng isang rehimen ng katarungang panlipunan,” ang nakasaad sa tripartite statement.
Inaatas din ng dokumento ang pagtatatag ng isang oversight committee sa ilalim ng istruktura ng National Tripartite Industrial Peace Council (NTIPC) “na susubaybay sa implementasyon ng PLEP 2023-2028 at magbigay ng karagdagang mga rekomendasyon upang matiyak na ang mga patakaran at programa sa paggawa ay tumutugon sa patuloy na pagbabago sa mundo ng paggawa”.
May temang, “Shared Labor Market Governance in Achieving Decent Employment for All,” ang ang kumperensya ay dinaluhan ng mga kinatawan mula sa NTIPC, mga Regional TIPC, mga Industry Tripartite Council, at mga stakeholder ng pamahalaan.
Tinalakay ng mga lumahok sa kumperensya ang mga priority strategic areas ng PLEP sa pagpapataas ng pagigiging produktibo, kapaki-pakinanabang, malayang pagpili, at napapanatiling trabaho at mga oportunidad sa trabaho; pagtiyak ng pamamahala ng merkado ng paggawa na gumagalang sa lahat ng pangunahing alituntunin at karapatan sa trabaho, internasyonal na pamantayan sa paggawa, at karapatang pantao; gayun din sa pagbuo ng isang patas at inklusibong panlipunang proteksyon.
Produktibo, kabayaran, malayang pinili, at napapanatiling trabaho
Kabilang sa mga tinukoy na istratehiya upang suportahan ang prayoridad ng PLEP sa pagpapataas ng pagiging produktibo, kapaki-pakinabang, malayang pinili, at napapanatiling trabaho at mga oportunidad sa trabaho ay ang paghahanay ng mga kasanayan at kwalipikasyon ng manggagawang Pilipino sa mga pangangailangan ng industriya, pagpapalakas ng mga Public Employment Service Office (PESOs) upang matugunan ang pangangailangan ng mga kasanayan at paggamit sa mga lokal na talento, at pagpapatibay ng mga istratehiya upang protektahan ang mga micro, small, and medium enterprise (MSMEs) at kanilang mga manggagawa sa epekto ng mga kasunduan sa internasyonal na kalakalan.
Inirerekomenda din na repasuhin ang Department Order sa kontraktwalisasyon upang isaalang-alang ang solidary liability ng mga prinsipal sa mga paglabag sa regulasyon; muling suriin ang mga plano sa pambansang kaunlaran upang tugunan ang kawalan ng balanse ng alokasyon ng mga trabaho at kasanayan dahil nakasentro sa siyudad ang pagtutok sa pag-unlad; tukuyin ang naaangkop na tripartite representation sa pamahalaan; at palakasin ang mga kasalukuyang mekanismo sa pakikipagtulungan ng pamahalaan-akademya-industriya.
Pamamahala sa merkado ng paggawa na nakabatay sa mga karapatan
Napagkasunduan din sa kumperensya na suriin ang mga probisyon ng Labor Code sa pagkontrata at subcontracting, seguridad sa panunungkulan, kalayaan sa pagsasamahan, at mga karapatang mag-organisa at makipagkasunduan.
Kasama rin sa mga plano sa pagkilos ang paglikha ng isang makatarungang programa sa paglipat; pagtiyak ng sapat na representasyon ng sektor ng paggawa at employer, kabilang ang mga nasa impormal na sektor, sa NTIPC at iba pang posibleng entidad ng pamahalaan; at pagsuporta sa mga aktibidad para sa pagsasagawa ng proseso para sa pagpapatibay ng International Labor Organization (ILO) Convention Nos. 81 at 188.
Upang lumikha ng isang kapaligiran para sa mga manggagawa kung saan maaari nilang gamitin ang kanilang karapatan sa pag-oorganisa at collective bargaining, susuriin din ang mga kinakailangan sa pagpaparehistro ng unyon, mga alituntunin sa pagpapalagay ng hurisdiksyon, at mga kasalukuyang parusa sa mga iligal na welga.
Patuloy ding susubaybayan ang implementasyon ng tripartite roadmap sa Freedom of Association upang matiyak na naipatutupad ang mga rekomendasyon ng ILO High-Level Tripartite Mission
Kasama rin sa pagsuporta sa nasabing prayoridad ng PLEP ang pagpapabuti sa pagpapatupad ng Batas Kasambahay sa antas ng barangay, partikular sa pagpaparehistro at coverage sa mga social security agency; pagsasagawa ng mga capacity-building para sa mga social partner sa labor inspection program; patuloy na pagpapatupad ng Civil Service Commission (CSC) – Department of Health (DOH) – DOLE Joint Memorandum Circular No. 01, Series of 2020 para sa occupational safety and health standards sa pampublikong sektor; at pagsuporta sa National Occupational Safety and Health Strategy.
Pantay at ingklusibong panlipunang proteksiyon
Samantala, ang mga natukoy na estratehiya sa pagbuo ng isang patas at inklusibong panlipunang proteksyon ay kinabibilangan ng digitalization ng mga sistema ng proteksiyong panlipunan upang mahusay na matukoy at matugunan ang mga pangangailangan ng mga tao at partisipasyon ng pribadong sektor, lokal na pamahalaan, at mga social partner sa paghahatid ng mga programa at serbisyo para sa lahat.
Nakasaad din sa NTC resolution ang mga patakaran at programa sa proteksyong panlipunan na partikular sa sektor, kabilang ang transition fund at programa para sa transportasyon, IT-BPM, at mga manggagawa sa sektor ng enerhiya na apektado ng modernisasyon at pag-unlad ng teknolohiya.
Ang pagpapatupad ng Social Protection Floor (SPF) bilang pangunahing elemento ng pambansang sistema ng proteksyong panlipunan at pag-aaral sa mga posibilidad ng pag-access sa Global Funding para sa Social Protection Floor upang tustusan ang mga hakbangin ng SPF ay magtitiyak din ng pinagsama-samang pamamaraan para sa inklusibong panlipunang proteksyon.
Nauna nang ipinasa ng NTIPC ang Resolution No. 1 (2023) na nag-aapruba at nagpatibay sa PLEP 2023-2028 na ginawa sa pamamagitan ng nationwide tripartite consultations. Iprinisinta ang dokumento at inaprubahan ng Pangulo at ng Gabinete noong ika-8 ng Agosto.
Upang matiyak ang epektibong pagkamit ng mga layunin ng PLEP, ang kagawaran ng paggawa at ang mga tripartite partner nito ay nagpulong upang bumalangkas ng mga resulta ng PLEP matrice, kung saan tinukoy ang mga kongkretong estratehiya, aksyon, at magkasanib at sektoral na mga responsibilidad para sa pagpapatupad ng plano.
Inaprubahan ng NTIPC noong ika-10 ng Nobyembre para i-endorso ang results matrices na naglalaman ng mga istratehiya, mga puntpo ng pagkilos, mga output at mga kinalabasan, at sektoral at tripartite na mga pangako na dapat ipatupad sa ilalim ng plano. DOLE/ALDM/GMEA