29.4 C
Manila
Huwebes, Disyembre 12, 2024

Orientation ng mga benepisyaryo ng Tupad Workers program

- Advertisement -
- Advertisement -

DUMALO si Mayor Eric Olivarez sa ginanap na orientation ng mga benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged/Displaced (Tupad) workers Program nitong Martes ng umaga sa Area 1 Covered Court, Fourth Estate Subdivision sa Barangay San Antonio.

Ayon kay Mayor Eric, nasa 405 benepisyaryo mula sa lungsod ng Parañaque ang nakinabang sa programang ito.

Dagdag niya, ang pondo ng 100 benepisyaryo ng Tupad Program ay galing sa regular fund ng Department of Labor and Employment habang ang pondo ng 305 benepisyaryo ay mula sa tanggapan ni Senator Joel Villanueva.

Inihayag din ni Mayor Eric ang kanyang pasasalamat sa DoLE at si Senator Villanueva sa pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaang lungsod sa pamamagitan ng Public Employment Service Office upang maibaba ang naturang programa.

Dumalo rin sa naturang programang sina District 1 Congressman Edwin Olivarez, District 1 Councilor Pablo “Paolo” Olivarez II0, Sheila Benzon, PESO OIC Amie Martin, at ang mga kinatawan ng DoLE.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -