25 C
Manila
Biyernes, Enero 31, 2025

LandBank naghandog ng P1.1-B fuel subsidy sa 190k PUV drivers

- Advertisement -
- Advertisement -

ANG LandBank of the Philippines (LandBank) ay naghatid ng P1.1 bilyong halaga ng fuel subsidy sa 190,130 public utility vehicle (PUV) drivers at operators noong ika-9 ng Nobyembre 2023, bilang bahagi ng patuloy na suporta nito sa sektor ng transportasyon sa gitna ng pagtaas ng presyo ng gasolina.

Sa ilalim ng Fuel Subsidy Program ng Department of Transportation (DoTr) at ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), ang LandBank ay namahagi ng tulong sa mga driver at operator ng mga public utility jeepney at bus, taxi, at transportation network vehicle services (TNVS), bukod sa iba pang mga kwalipikadong benepisyaryo.

“Ang LandBank ay kaisa ng pamahalaan sa pagpapaabot ng napapanahon at mabilis na tugon sa lokal na sektor ng transportasyon. Makatitiyak na pinapataas natin ang paghahatid ng subsidy sa gasolina upang suportahan ang mga driver at operator ng PUV sa buong bansa,” ani Landbank President at CEO Lynette Ortiz.

Malapit na nakikipag-ugnayan ang LandBank sa DoTr at LTFRB para sa agarang pamamahagi ng tulong pinansyal sa kabuuang 1.36 milyong target na benepisyaryo sa ilalim ng Fuel Subsidy Program.

Nagpapatuloy din ang LTFRB sa pagsusumite ng mga listahan ng mga kwalipikadong benepisyaryo sa LandBank, habang pinapadali ng Bangko ang pag-kredito ng mga subsidy sa gasolina sa pamamagitan ng mga umiiral nang account ng mga benepisyaryo ng LandBank at iba pang mga bangko.

Sa ilalim ng programs, bawat isa sa mga driver at operator ng modernized public utility jeepneys at utility van (UV) express units ay tumatanggap ng P10,000.00, habang ang mga driver at operator ng traditional PUV at TNVS ay nakatanggap ng P6,500.00 bawat isa.

Mula ika-21 ng Setyembre 2023 ipinagpatuloy ng LandBank ang pamamahagi ng subsidy sa gasolina sa mga kuwalipikadong driver ng PUV sa ilalim ng Fuel Subsidy Program, matapos aprubahan ng Commission on Elections (Comelec) ang kahilingan ng LTFRB na i-exempt ang programa mula sa election spending ban.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -