27.9 C
Manila
Lunes, Nobyembre 25, 2024

Di patitinag si Andrew Tan

- Advertisement -
- Advertisement -
ASAHAN ang mahaba at mainit na tunggaliang ligal sa pagitan ng Megaworld, kabilang sa naglalakihang property developer ng bansa, at ng Datem, higanteng  kumpanyang pangkonstruksyon, bunga ng order ng freeze na napagtagumpayang makuha nitong huli laban sa mga pag-aari ng una. Ang freeze order ay iniutos ni Judge Rochel Yvette Galano ng Quezon City Regional Trial Court  noong Nobyembre 16, 2023 sa bisa ng Writ of Preliminary Attachment (WPA) na inilabas ng huwes.
Dumulog ang Datem sa korte upang pilitin ang Megaworld na tumupad sa kasunduang pagbabayad na nilagdaan nila noong Setyembre 2022. Batay sa mga lumabas na ulat, sinisingil ng Datem ang Megaworld ng  halagang P873.324 bilang kabayaran sa mga proyektong itinayo para sa kumpanya kabilang Uptown Parksuites Towers 1 at 2; mga tower pang korporasyon at mga luxuryanteng tirahan.
Ang notice of garnishment ay ipinalabas din ng Sheriff sa ilang banko ng Megaworld: Asia United Bank, Union Bank of the Philippines, Bank of the Philippine Islands, Banco De Oro, China Bank, PS Bank, East West Bank, Maybank, Metropolitan Bank and Trust Co., and Rizal Commercial Banking Corp. Inaasahan na palalawakin pa ng Sheriff ng Korte ang bilang ng mga bankong pagsisilbihan ng freeze order upang sumaklaw sa Land Bank of the Philippines, Philippine National Bank, Security Bank, at United Overseas Bank.
Sakop ng notice of garnishment lahat ng “goods, effects, stocks, interests in stocks and shares,” at iba pang pag-aaring personal na pinanghahawakan o kontrolado ng Megaworld.
Binabalaan ang mga banko laban sa pagkakaloob, paglilipat o pagpapakawala ng pag-aari ng Megaworld sa sinuman o alinmang katauhan maliban sa sheriff ng korte.
Sa nangyaring freeze order na ang mga pag-aari ng Megaworld ay hindi nito pwedeng galawin hanggang sa kahuli-hulihang sentimo, parang biglang mas mahirap pa sa daga ang bilyonaryong empresa.
Sinong higanteng negosyante ang makakasikmura nito?
- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -