30.9 C
Manila
Biyernes, Oktubre 18, 2024

Education tour para sa mga learners with disabilities

- Advertisement -
- Advertisement -

BILANG bahagi ng aktibong pakikilahok sa pagdiriwang ng National Children’s Month 2023, ang lokal na pamahalaang lungsod ng Parañaque sa pangunguna ni Mayor Eric Olivarez ay nagsagawa ng educational tour para sa mga learners with disabilities sa Manila Zoo at National Museum of the Philippines nitong Biyernes.

Ayon kay Mayor Eric, ang naturang aktibidad ay mahalaga sapagkat sa pamamagitan nito ay mas nalilinang at napapaunlad ang kaalaman ng learners with disabilities na lumahok.

Ang educational tour na ito ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan sa Person with Disabilities Affair Office sa pangunguna ni Dr. Sabas de Guzman 3rd.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -