28.2 C
Manila
Huwebes, Enero 23, 2025

Paano nakabawi ang ekonomiya sa ikatlong quarter ng 2023? Anu-ano ang mga dahilan nito?

TINGIN SA EKONOMIYA

- Advertisement -
- Advertisement -

NAKABAWI ang paglago ng ekonomiya mula sa malaking pagbagsak nito noong ikalawang quarter. Tumaas ang real GDP growth sa 5.9 porsiyento mula sa 4.3 porsiyento noong ikalawang quarter ngunit mas mababa pa ito nang bahagya kumpara sa 6.4 porsiyento noong unang quarter ng 2023.

Nandoon  pa rin ang mga dahilan kung bakit bumagal ang ekonomiya noong ikalawang quarter —mataas na interest rates, mataas na inflation rate, at mababang export demand ng ating trading partners.

Ang mataas na interest rates ang dahilan kung bakit umurong sa -1.6 porsiyento ang gross capital formation sa ikatlong quarter, mas mababa pa kaysa sa 0.3 porsiyento na paglago noong nakaraang quarter.

Ang mataas na inflation rate ang dahilan kung bakit ang household consumption ay patuloy na dumausdos sa 5.0 porsiyento noong ikatlong quarter, mas mababa kaysa ang 5.5 porsiyento noong ikalawang quarter.

Patuloy pa rin ang pagbaba bg exports of goods na umurong sa -2.6 porsiyento mula sa -0.9 porsiyento noong ikalawang quarter, Ngunit binawi nang kaunti ng exports of services ang kahinaan ng exports of goods. Patuloy ang double-digit na paglago ng exports of services na kinabibilangan ng call centers, business process outsourcing at turismo. (Tingnan ang Table)


Ang pinakamalaking kaibhan sa ekonomiya noong ikatlong quarter ay ang malakas na government consumption na lumago sa 6.7 porsiyento  mula sa pag-urong sa -7.1 porsiyento noong ikalawang quarter. Ang isa pa ay ang malakas na paglago ng construction nang 12.4 porsiyento mula 2.4 porsiyento noong ikalawang quarter dahil sa malusog na pag-usbong  sa 26.9 porsiyento ng general government construction.  Sumigla ang pag-implementa ng pamahalaan ng mga infrastructure projects na nagging mabagal noong nakaraang quarter.

By sector, mabagal pa rin ang agrikultura na lumago nang bahagya sa 0.9 porsiyento. Mas mababa ito kaysa pagtaas ng populasyon (1.4 porsiyento) kaya patuloy ang pagtaas ng presyo ng pagkain.

Ngunit dumoble ang lakas ng industrya sa 5.5 porsiyento mula 2.1 porsiyento noong ikalawang quarter. Dahil ito sa construction na lumago nang 14% at electricity, gas and water na lumago nang 4.5 porsiyento mula sa -2.9 porsiyento na pag-urong noong ikalawang quarter.

Ang services sector ang nanatiling pinakamalakas na sector na lumago nang mas malakas sa 6.8 porsiyento kumpara sa 6.1 porsiyento noong ikalawang quarter. Malago pa rin ang mga hotel at restaurants na lumago nang 20.0 porsiyento, mas mabagal nang bahagya kaysa 27.8 porsiyento noong unang quarter at 27.2 porsiyento noong ikalawang quarter. Ganoon din ang transportation and storage na bahagya ring bumagal pero double-digit pa rin ang paglago. Lumakas ang mga bangko at seguro na lumago nang 9.5 porsiyento, halos doble sa 5.3 porsiyento noong ikalawang quarter dahil nakinabang sila sa pagtaas ng interest rates. Dahil hindi naman tumataas ang ratio ng kanilang bad loans, patuloy ang pagtaas ng loan accommodations nila.

- Advertisement -

Bumaba ang mas malaking basket na GDP-based inflation mula sa 6.8 porsiyento noong unang quarter sa 4.5 porsiyento noong ikalawang quarter at 3.3 porsiyento  noong ikatlong quarter. Ganoon din ang CPI (consumer price inflation) na bumagsak din mula 8.3 porsiyento noong unang quarter sa 6.0% noong ikalawang quarter at 5.4 porsiyento noong ikatlong quarter. Kapag nasa 2-4 porsiyento na ang inflation ay puwede na ulit lumago ang ekonomiya nang 6-8% bawat taon na siyang target ng gobyerno sa medium-term development plan.

Kasama ng services sector, malaking tulong sa ekonomiya ang patuloy na pagtaas ng net primary income from the rest of the world na kinabibilangan ng OFW remittances. Umabot sa 112.5 porsiyento ang paglago nito sa ikatlong quarter. Dahilan nito, ang Gross National Income (GNI) ng bansa ay lumago sa 12.1 porsiyento, isa sa mga pinakamataas sa buong mundo. Ito ang dahilan kung bakit patuloy na mataas ang kumpiyansa ng investors at sa ating ekonomiya.

Kailangang lumago sa 7.2 porsiyento ang ekonomiya sa ikaapat na quarter para maabot ang low-end real GDP target na 6 porsiyento. Kailangang lampasan nito ang 7.1 porsiyento paglago na naitala sa ikaapat na quarter ng 2022.

ECONOMIC GROWTH, BY SECTOR
2023
Real Growth in % Q1 Q2 Q3
GROSS NATIONAL INCOME 10 8.6 12.1
Net primary income from the rest of the world 82.4 90.7 112.5
GROSS DOMESTIC PRODUCT 6.4 4.3 5.9
AGRICULTURE 2.2 0.2 0.9
INDUSTRY 4 2.1 5.5
    Mining & Quarrying -2.2 -2.9 4.5
    Manufacturing 1.9 1.1 1.7
    Electricity 7.2 4.7 7.0
   Construction 11.1 3.6 14.0
SERVICES 8.4 6.1 6.8
ECONOMIC GROWTH, BY EXPENDITURE SHARE
HOUSEHOLD CONSUMPTION 6.4 5.5 5.0
GOVERNMENT CONSUMPTION 6.2 -7.1 6.7
GROSS CAPITAL FORMATION 12.6 0.3 -1.6
    GROSS FIXED CAPITAL FORMATION 10.9 4 7.9
    Construction 14.6 2.4 12.4
    Durable Equipment 8.1 10.5 1.7
EXPORTS OF GOODS & SERVICES 1 4.4 2.6
   Exports of goods -14.9 -0.9 -2.6
   Exports of services 20.2 10.4 11.7
Source: Philippine Statistics Authority

 

 

 

- Advertisement -

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -