24.8 C
Manila
Linggo, Enero 19, 2025

Pagpapalakas ng inisyatibo para sa career dev’t

- Advertisement -
- Advertisement -

TINALAKAY ni Bureau of Local Employment Director Patrick Patriwirawan Jr. (itaas na larawan) ang Career Development Support Program (CDSP) – isang istratehiya ng kagawaran ng pagggawa upang matugunan ang mga kakulangang kadalasang kanilang kinakaharap ng mga aplikante sa paghahanap ng trabaho. Partikular na nilalayon ng CDSP na tulungan ang mga indibidwal sa paghahanap ng tamang trabaho sa pamamagitan ng career counseling, pagtukoy ng naaangkop na interbensyon para sa kanilang upskilling o reskilling sa pamamagitan ng vocational counseling, at pagsulong ng kanilang napiling career path sa pamamagitan ng employment counseling.

Nagpahayag ng suporta sa CDSP at namahagi rin ng kanilang mga istratehiya sa paggabay sa karera ang mga panelist na sina (ibabang larawan, mula sa kaliwa) Ma. Teresa S. Tunguia, Pangulo ng Federation of Career Guidance Advocates Network of the Philippines Inc.; Bonifacio Mercado, Jr., Job Placement Office (JPO) Manager ng CITE Technical Institute; Sylvia Sumundong, JPO Manager ng St. Vincent College; at Vincent Alcantara, JPO Manager ng Unibersidad ng Batangas.

Ang talakayan ay isa sa limang sesyon ng plenaryo sa ginanap na 23rd National Public Employment Service Office Congress noong Oktubre 25-27, 2023 sa Palo, Leyte. (Kuha ni Alejandro P. Echavez, DOLE-IPS)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -