29.4 C
Manila
Miyerkules, Disyembre 18, 2024

๐‰๐ฎ๐ฌ๐ญ๐ข๐œ๐ž ๐จ๐ง ๐–๐ก๐ž๐ž๐ฅ๐ฌ ipatutupad ๐ง๐š ๐ฌ๐š ๐‚๐จ๐ญ๐š๐›๐š๐ญ๐จ

- Advertisement -
- Advertisement -

SA pagnanais na mapabilis ang paggulong ng hustisya sa probinsya, determinado si Governor Emmmylou โ€œLalaโ€ Taliรฑo-Mendoza na isagawa ang 5th Enhanced Justice on Wheels (EJOW) ng Korte Suprema ngayong taon na kanyang sinimulan noong 2012.

Larawan mula sa Cotabato Provincial Legal Office

Ang 5th EJOW sa lalawigan ng Cotabato ay nakatakdang gaganapin ngayong Nobyembre 30, 2023 katuwang ang Supreme Court of the Philippines kung saan inaasahang mismong si Chief Justice Alexander Gesmundo ang mangunguna sa makasaysayang aktibidad sa larangan ng โ€œjustice systemโ€ hindi lang sa probinsya ng Cotabato kundi maging sa buong bansa.

Kaugnay nito, inorganisa ng Provincial Legal Office na pinamumunuan ni Atty. John Haye Deluvio ang pagpupulong kasama ang Office of the Court Administrator for Mindanao staff (lawyers), mga hukom mula sa ibaโ€™t ibang korte sa probinsiya, Public Attorneyโ€™s Office (PAO) lawyers, mga opisyal at kinatawan mula sa Cotabato Police Provincial Office (CPPO), SOCO-Kidapawan, BJMP, BFP, Provincial and City Prosecutors Office, Parole and Probation Office, at marami pang iba.

Masusing pinag-usapan ang gagawing Pilot Testing of Remote Court Hearing via Videoconferencing kung saan tutungo ang EJOW bus ng korte suprema sa isang โ€œidentified remote areaโ€ kung nasaan ang witness ng defendant or complainant upang gawin ang pagdinig ng kaso kasama ang mahahalagang personalidad tulad ng judge, lawyer, at iba pa, gamit ang makabagong teknolohiya na videoconference.

Ang lalawigan ng Cotabato ang magiging kauna-unahang lugar sa bansa na gagamit ng nasabing pamamaraan ng pagdinig.

TInalakay rin ang iba pang mahahalagang bahagi ng EJOW activity kabilang na ang pagbibigay ng pamahalaang panlalawigan ng livelihood assistance sa mga kwalipikadong PDLs (persons deprived of liberty) katuwang ang tanggapan ni Department of Social Welfare and Development XII Regional Director Loreto Cabaya.

Umaasa si Gov. Mendoza na sa pamamagitan ng nasabing aktibidad ay mabibigyan ng pagkakataon ang mga detinadong indibidwal lalo na ang mga nasa mahihirap na pamilya at walang kakayahang magbayad ng pribadong abogado na mabigyan ng mas malawak na access sa hustisya at matulungan rin ang mga korte sa mabilisang pagdinig ng mga kaso, at ma-decongest ang mga jail facilities dito.

Dumalo rin sina Retired Judge Lily Lydia Laquindanum, at Jessie Enid bilang mga kinatawan ni Gov. Mendoza sa nasabing pagpupulong na isinagawa sa Tiburan Hall, Amas, Kidapawan City nitong Huwebes ika-9, 2023. IDCD-PGO-GONZALES/Larawan mula sa PLO

 

 

Larawan mula sa Cotabato Provincial Legal Office

 

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -