25.4 C
Manila
Martes, Disyembre 31, 2024

Ikatlong bayan ng Isabela na insurgency-free idineklara

- Advertisement -
- Advertisement -

PORMAL na idineklara ang Echague bilang pangatlong insurgency-free na bayan sa lalawigan dahil wala nang naitalang anumang presensiya o bayolenteng aktibidad at panghihikayat ang mga makakaliwang grupo sa nang nagdaang taon hanggang sa kasalukuyan.

Ang seremonya ay pinangunahan nina Isabela Police Provincial Office o IPPO Acting Provincial Director Col. Julio Go, 502nd Infantry Brigade Commander B/Gen. Eugene Mata kasama ang ilan pang mga opisyal ng pulis at militar na ginanap sa munisipyo ng bayan sa San Fabian, Echague, Isabela.

 

Una nang naideklara ang mga bayan ng San Mariano at San Guillermo bilang insurgency -free.

Ang seremonya ay pinangunahan nina Isabela Police Provincial Office o IPPO Acting Provincial Director Col. Julio Go, 502nd Infantry Brigade Commander B/Gen. Eugene Mata kasama ang ilan pang mga opisyal ng pulis at militar na ginanap sa munisipyo ng bayan sa San Fabian, Echague, Isabela.

Sinabi ni IPPO Acting Provincial Director Julio Go na dahil sa pagtutulungan ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan at mga sektor sa lalawigan at sa bayan ay naging epektibo ang whole-of-Nation approach ng pamahalaan kontra insurhensiya.

Aniya, dahil sa pakikiisa ng lahat ng sektor sa lalalwigan at sa bayan ay naipaabot ng pamahalaan ang mga programa, proyekto, at serbisyo nito maging sa liblib na lugar sa lalawigan.

Binati ni Go ang kapulisan ng bayan sa pamumuno ni Maj. Rogelio Natividad kasama ang mga LGU officials sa pangunguna ni Mayor Francis Faustino Dy dahil sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa bayan at sa paghahatid ng mga programa, proyekto at serbisyo sa liblib na mga lugar nito.

Samantala, hiningi naman ang pamunuan ng 502nd Infantry Brigade ang patuloy na suporta ng mga mamamayan upang mapanatiling insurgency-free ang Echague at upang tuloy-tuloy ang paghahatid ng mga programa ng gobyerno sa bawat sulok ng bayan.

Aniya, ang pagiging insurgency-free ng bayan ay dahil sa suporta ng lahat ng sektor sa lipunan sa pagpapatupad nng whole-of-Nation approach ng pamahalaan na may hangaring wakasan na ang tinatawag na local communist armed conflict sa bansa.

Dagdag pa nito na patuloy ang militar para suportaban ang kapulisan sa pagpapanatili ng kapayapaan ng bayan. (MGE / PIA ISABELA)

Caption

Idineklara na ang ikatlong bayan ng Isabela bilang insurgency -free na ginanap nitong Ika-6 ng Nobyembre 2023 sa harapan ng munisipyo ng Echague. (Larawan mula sa IPPO)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -