28 C
Manila
Linggo, Disyembre 22, 2024

MS Westerdam, balik Pinas

- Advertisement -
- Advertisement -

SINALUBONG ng Port Management Office (PMO) ng NCR South ang muling pagbabalik sa Pilipinas ng international luxury cruise ship na MS Westerdam noong Nobyembre 6, 2023 sa Pier 15 Manila South Harbor.

Matatandaan na hindi ito ang unang pagdaong nito sa nasabing Pier dahil bago pa magkaroon ng pandemya ay masugid na bisita ang nasabing cruise ship sa pantalan kung saan naitalang apat nab eses itong dumaong sa Manila South Harbor noong taong 2019.

Ang “MS Westerdam” ay pagmamay-ari ng Holland America Line at nagsimulang maglayag noong ika-16 ng Hulyo 2003 sa ilalim ng bansang Netherlands.

Ang barko ay may tinatayang kapasidad na 82,862 Gross Tonnage at Length Over-All (LOA) o haba na 285.30 metro kung kaya’t okupado nya ang Berths 4 at 5 ng Pier 15.

Ang naturang cruise ship na huling dumaong sa Kaohsiung Taiwan bago tumungo sa Pilipinas ay may lulan na mahigit kumulang na 1,900 turistang pasahero at crew na may bilang na 752.

Maghapon lamang na nanatili sa Maynila ang naturang cruise ship, nilisan niya ang Pantalan ganap na alas-sais ng hapon ng kaparehong araw at patuloy na naglayag patungong Boracay.

Inaasahang muling babalik ang MS Westerdam sa Maynila sa susunod na linggo ika-14 ng Nobyembre taong 2023. (SDL/PPA/PIA-NCR)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -