31 C
Manila
Linggo, Nobyembre 24, 2024

Bagong tahanan ng Philippine cinema sa Intramuros

- Advertisement -
- Advertisement -

SINIMULAN na ang susunod na magiging tahanan ng Philippine cinema sa Intramuros noong Huwebes, Oktubre 26.

Katabi ng Beaterio de la Compania de Jesus, ang Philippine Film Heritage building ay matatagpuan sa 800 square meters na makasaysayang bakuran ng Baluarte de San Diego.

Pinangunahan nina Department of Tourism (DoT) Secretary Christina Garcia Frasco, Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairman Tirso Cruz 3rd, Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (Tieza) COO Mark Lapid at Intramuros Administrator Atty. Joan Padilla ang groundbreaking ceremony.

“Today, on the hallowed grounds of Intramuros, where the walls have witnessed the glorious history of our nation, we have laid the cornerstone for the Marcos administration’s commitment to honor Filipino cinematic excellence and amplify the voice of the creative industry to continue telling the Filipino story to the world with love,” said Frasco. (“Ngayon, sa banal na bakuran ng Intramuros, kung saan nasaksihan ng mga pader ang maluwalhating kasaysayan ng ating bansa, inilatag natin ang pundasyon para sa pangako ng administrasyong Marcos na parangalan ang Filipino cinematic excellence at palakasin ang boses ng creative industry upang patuloy na sabihin ang kuwento ng mga Filipino sa buong mundo ng may pagmamahal,” sabi ni Frasco.) Binigyang-diin din ni Frasco ang kahalagahan ng turismo sa pelikula sa pagpapakita ng pagkakakilanlang Pilipino.

Sa kanyang bahagi, binigyang-diin ni Cruz ang kahalagahan ng heritage building para sa mga Pilipino, lalo na sa mga mahilig sa pelikula at mga estudyante.

“The building is not only for FDCP or only for DoT, or Tieza; it is for the Filipino people, Filipino film-loving people, and to promote the Philippine film industry,” said Cruz. (“Ang gusali ay hindi lamang para sa FDCP o para lamang sa DoT o TIEZA; ito ay para sa mamamayang Pilipino, mga taong mahilig sa pelikulang Pilipino, at para isulong ang industriya ng pelikula sa Pilipinas,” sabi ni Cruz.)

Makikita sa makabagong pasilidad na ito ang punong-tanggapan ng FDCP, Cinematheque Center Manila, at ang Philippine Film Archive. Ito ay magsisilbing kanlungan para sa mga Pilipino at mga mahilig sa pelikula na taga-ibang bansa, at tahanan ng pelikulang Pilipino.

Inaasahang makukumpleto ang gusali sa huling quarter ng 2024.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -