27.1 C
Manila
Huwebes, Disyembre 19, 2024

PRO Mimaropa, napanatili ang seguridad at kaayusan sa naganap na BSKE 2023

- Advertisement -
- Advertisement -

“Sa panahon ng halalan, napanatili natin ang kaayusan at mapayapang BSKE 2023 na walang anumang insidenteng naganap sa buong rehiyon.” Ito ang sinabi ni Police Regional Office (PRO) Mimaropa Director, BGen. Joel Doria sa isinagawang press briefing ng BSKE 2023 na ginanap sa Balay Lakoy, Camp Efigenio C. Navarro noong Oktubre 30.

Ayon kay Doria, malaking bahagi ang presensiya ng mga pulis sa mga kritikal na lugar na kung saan kumpiyansa ang mga tao sa pagboto at kanilang nagagawa ang karapatan na ito na walang takot kung mayroon mang banta ng karahasan.

Taos puso rin ang pasasalamat ng pulisya sa Commission on Elections (Comelec) at iba pang ahensiya ng pamahalaan tulad ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Fire Protection (BFP) at Department of Education (DepEd) na nakiisa para sa maayos at mapayapang halalan.

Kaugnay nito, iniulat din ng Regional Election Monitoring Action Center (Remac) ang mga kaganapan sa pagitan ng Agosto 28 – Oktubre 30 na kung saan nakapagtalaga sila ng 17,699 checkpoint sa buong rehiyon, 32 ang naaresto dahil sa iba’t ibang paglabag, tatlo ang nakumpiskahan ng mga kontrabando at mga patalim, 30 ang nahulihan na nagdadala ng baril, 55 ang isinukong baril at 84 ang nakalagak sa mga himpilan ng pulisya.

Sa pagtatapos na mensahe ng direktor, sinabi nito na “Hindi rito nagtatapos ang aming tungkulin. Mananatili pa rin kami sa aming sinumpaang tungkulin na pangalagaan ang kaligtasan at seguridad ng ating mamamayan laong-lalo na sa rehiyong Mimaropa. (DN/PIA Mimaropa-Oriental Mindoro)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -