26.7 C
Manila
Sabado, Disyembre 21, 2024

DoLE pinarangalan mga natatanging productivity program ng MSMEs

- Advertisement -
- Advertisement -

UPANG higit pang isulong ang ‘productivity movement’, pinarangalan ng Kagawaran ang siyam na micro, small at medium enterprises (MSMEs) na nagpatupad ng pinakamahusay na productivity improvement program sa gitna ng pandemya sa ginanap na 2023 Productivity Olympics Awarding Ceremony sa Quezon City noong ika-19 ng Oktubre.

Micro-enterprise Manjous Homemade Delicacies from Cagayan Valley Region, small enterprise Eva Marie Arts and Crafts from Eastern Visayas, at medium enterprise Lighthouse Cooperative na parehong nasa Cagayan Valley ay itinampok bilang 2023 Productivity Olympics National Winners sa industry sector.

“Isa sa aming flagship advocacy program ang productivity improvement dahil lumilikha ito ng virtuous cycle na lumalawak, ‘ika nga, ang sukat ng pie para ibahagi sa lahat.  Ang mas mahusay na antas ng produktibidad ay nagpapalaki ng kita para sa mga negosyo. At ito ang dahilan upang mapalawak ang mga kanilang portfolio, na nagreresulta sa paglikha ng  mga trabaho, mas mataas na sahod at mas magandang kondisyon sa paggawa para sa mga manggagawa, at kapayapaan sa industriya,” pahayag ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma, na umuupo rin bilang chairnan ng National Wages and Productivity Commission (NWPC).

Samantala, muling ipinahayag ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada, chairman ng Senate Committee on Labor and Employment, at Representative Juan Fidel Felipe Nograles, chairman ng House Committee on Labor and Employment ang layunin ng pamahalaan na lumikha ng enabling environment para sa MSMEs sa pamamagitan ng pagpapatupad ng batas na nagpapahusay sa kompetensiya at at produktibo ng mga negosyo.

Nagtunggali para sa pambansang parangal ang 30 MSME finalist sa sektor ng agribusiness, serbisyo, at industriya.  Pinili ang mga nominado batay sa disenyo at pagpapatupad ng kanilang mga programa sa pagpapahusay ng produksiyon at ang epekto nito sa mga manggagawa at sa negosyo.

Pinili ang mga ito batay sa business excellence (50 percent), employee engagement and expansion (30 percent), innovation and green initiatives (15 percent), at corporate social accountability (5 percent).

Para sa sektor ng agribusiness, ang mga pinarangalan ngayong taon ay ang Citrus Hill Plantation sa Caraga (micro-enterprise category), Umani Cabal Farm Inc. sa SOCCSKSARGEN (small enterprise category), at Amparitas Integrated Farm sa Caraga (medium enterprise category).

Ang mga nagwagi sa sektor ng industriya ay ang Manjous Homemade Delicacies sa Cagayan Valley Region para sa micro-enterprise category, Eva Marie Arts and Crafts sa Eastern Visayas para sa small enterprise category, at Lighthouse Cooperative din sa Cagayan Valley para sa medium enterprise category.

Para sa sektor ng serbisyo, ang mga nanalo ay ang Dubby’s Ultimate Burgers Food House sa Central Visayas para sa micro-enterprise category, Prime Seller Marketing sa Bicol Region para sa small enterprise category, at The Manor sa Camp John Hay sa Cordillera Administrative Region para sa medium enterprise.

Ang national winner ay tumanggap ng tig-P120,000 cash prize, trophy, at priority endorsement para sa training programs at webinars ng NWPC.

Samantala, tumanggap ng espesyal na parangal na “Gawad Luntian” ang SN Aboitiz Power–Magat Inc. sa Region 2 at ang Energy Development Corporation–Mt. Ang Apo Geothermal Project sa Region 12 para sa kanilang kontribusyon sa pagpapanatili ng kapaligiran, paglikha ng green jobs, at pagbibigay ng napakaraming insentibo sa kanilang mga manggagawa.

Iginawad din ng NWPC ang “Gawad Inklusibo” sa mga negosyong nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng kasarian at panlipunang pagsasama sa kanilang mga gawaing pang-negosyo. Ang mga nanalo ay ang Umani Cabal Farm Inc. para sa sektor ng agribusiness, JN Cacao Food and Beverage Store para sa sektor ng industriya, at Dubby’s Ultimate Burgers Food House para sa sektor ng serbisyo.

Kinilala rin bilang 2023 Best RTWPB ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB)-Cagayan Valley Region.

Sa kanyang pangwakas na pananalita, hinimok ni Undersecretary Benedicto Ernesto R. Bitonio Jr. ng Labor Relations, Policy and International Affairs Cluster, ang MSMEs na patuloy na isulong ang productivity movement kasama ang green, sustainable, gender-sensitive, at socially responsible business practices.

Sa temang, “From Striving to Thriving: Reset and Reposition for Impact,” pinangunahan ng NWPC at 16 RTWPBs ang nasabing pagdiriwang na idinaraos tuwing ikalawang taon.

Inanyayahan din ng Kagawaran ang mga MSMEs na gamitin ang mga programa sa pagsasanay at tulong-teknikal ng NWPC.  Gumagamit ito ng ladderrized approach na binubuo ng basic, intermediate, at advanced level ng pagsasanay.  Kwalipikadong lumahok sa Productivity Olympics ang mga negosyo na matagumpay na nagpapatupad ng productivity improvement programs at patuloy na gumagamit ng productivity technologies.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -