DAGSA sa covered court ng Soldier’s Hills Subdivision sa Putatan at sa Alabang Central Market ang mga lolo at lolang Muntinlupeño para tumanggap ng anti-flu vaccine.
Alas-otso pa lang ng umaga, abala na ang mga kawani ng City Health Office-Muntinlupa (CHO), Office for Senior Citizens Affairs (OSCA Muntinlupa City), at People’s Coordinating and Monitoring Office (PCMO) sa mga nagpapatalang senior citizens.
Noong Oktubre 26, sa Bliss Covered Court sa Brgy. Putatan at Katarungan Village Covered Court sa Brgy. Poblacion isinagawa ang bakunahan kontra flu, mula alas-otso ng umaga hanggang alas-dose ng tanghali.
Habang sa Biyernes, Oktubre 27, ay sa South Park Center sa Brgy. Alabang naman mula alas-nuebe ng umaga hanggang ala-una ng hapon.
Paalala ng Pamahalaang Lungsod sa mga lolo at lola na magpapabakuna, magdala ng anumang I.D. na mayroong nakalagay na inyong birthday at address. (Muntinlupa PIO/PIA-NCR)