29.1 C
Manila
Lunes, Pebrero 3, 2025

Kaligtasan ng mga guro na magsisilbi sa darating na eleksyon, tinututukan

- Advertisement -
- Advertisement -

TINUTUTUKAN ngayon ng pamahalaan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), sa pamamagitan ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE) at ng Commission on Elections (Comelec) ang kaligtasan ng mga guro na magsisilbi bilang mga miyembro ng electoral board sa gaganaping Barangay at Sangguniang Kabataan (BSK) elections sa Lunes, Oktubre 30.

Kaugnay nito, lumagda kamakailan sa isang memorandum of agreement ang mga opisyal ng MBHTE at Comelec na magbibigay daan upang masiguro na mapapangalagaan ang mga karapatan ng nabanggit na mga guro.

Sa ginanap na pagpirma ng kasunduan sa lungsod ng Davao, sinabi ni MBHTE Minister Mohagher Iqbal na sa ilalim ng nabanggit na kasunduaan ay bibigyan ng suporta, trainings, at iba pang mga kinakailangang proteksyon ang mga gurong magsisilbi sa halalan.

Sa kabilang banda, siniguro naman ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na mas palalakasin pa ng tanggapan ang pakikipag-ugnayan sa pamahalaan ng BARMM, lalo na sa mga school division upang ma-monitor ang mga kaganapan sa gaganaping halalan.

Kaugnay pa rin dito, bubuo ng Legal Assistance Desk (LAD) ang Comelec sa iba’t ibang lugar sa rehiyon ng Bangsamoro upang makatulong sa mga electoral board at lahat ng mga indibidwal na magbibigay serbisyo sa darating na halalan. (LTB na may kasamang report mula MBHTE-BARMM)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -