NAGPATULOY ang pagbibigay ng libreng medikal na serbisyo gaya ng checkup (Pedia, OB – if available ang doctor), electrocardiogram (ECG) , complete blood count (CBC), Chest X-ray, Blood Chem, Sugar test, Cholesterol, Triglyceride HDL, Gamot at Dental checkup kasama ang simpleng bunot ng ngipin para sa residente ng Brgy. San Pedro, Lungsod ng Sto. Tomas.
Binibigyang-diin ng proyektong ito ang pangako ng pamahalaan sa panunguna ni Mayor Atty. Arth Jhun Aguilar Marasigan, na alagaan ang kalusugan ng mga mamamayan katuwang sina Vice Mayor Catherine Jaurigue-Perez, SP Members, Dr. Arnielyn Β Marasigan-Aguirre ng Head of Operations, City Health Office, Sierra Diagnostic Centre, Sierra Eye at mga Barangay Health Workers.
Ang serbisyong ito ay patuloy na ilalapit sa mga mamamayan tuwing araw ng Martes at Huwebes. Hinihikayat ang mga residente na manatiling naka-antabay sa mga anunsyo na manggagaling sa barangay para sa araw na itinakda sa lugar.