30.9 C
Manila
Sabado, Disyembre 14, 2024

Tourism development plan sa Sto. Tomas, Batangas, binalangkas

- Advertisement -
- Advertisement -

ALINSUNOD sa mandato ng Republic Act 9593 o Tourism Act 2009 na magkaroon ng tourism development plan ang mga lokal na pamahalaan, pinangunahan ni Mayor Atty. Arth Jhun Aguilar Marasigan, kaagapay ang City Tourism & Cultural Heritage Development Division sa paglikha ng plano sa pagpapaunlad ng turismo para sa lungsod ng Sto. Tomas noong Oktubre 16.

Layunin ng aktibidad na ito na lumikha ng isang estratehikong balangkas na naglalayon na isulong ang mga atraksyong pangturismo ng Sto. Tomas. Ito ay magsisilbing isang komprehensibong roadmap para sa pangkalahatang pag-unlad ng ekonomiya, paglikha ng karagdagang trabaho at mamumuhunan sa mga proyektong nauugnay sa turismo.

Nagsilbing panauhing tagapagsalita si Romano De Castro Del Rosario mula sa Department of Tourism IV-A, na siyang gumabay para sa pagpapalitan ng mga kaalaman at kasanayan ng mga nakilahok, na tinitiyak na ang plano sa pagpapaunlad ng turismo ay naaayon sa mga pambansang plano at tutugon sa pagpapaunlad nito.

Nakiisa rin sina Committee Chairman on Tourism Councilor Adrian Caprio, City Administrator Engr. Severino Medalla, City Planning, City Engineering, City ENRO, CDRRMO, City Agriculture, PNP, DILG, mga barangay representatives, DoT IV-A: Lester Uriarte, Training Officer at Keneth De Gracia, Head of Training Unit. Present din ang ilang kumpanya at pribadong organisasyon gaya ng Gunita, Microtel, NDN, Get Set Go Travel, Adventures Travel, Mando & Elvie’s, Nas Cafe, STAMP at Calabarzon Transport.

Sa pangkalahatan, ang sesyon ng pagsasanay at pagbuo ng tourism development plan ay sumasalamin sa dedikasyon ng pamahalaang lungsod sa paggamit ng potensyal ng turismo bilang isang economic driver at pagpapakita ng mga natatanging atraksyon, destinasyon at karanasan na mayroon ang Lungsod ng Sto. Tomas.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -