ISINAGAWA ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Oriental Mindoro ang 3rd Quarter Provincial Inter-agency Committee meeting kasama ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan at stakeholders na ginanap sa El Pueblo Resort noong Huwebes, Oktubre 19.
Tinalakay ni Cluster Grievance Officer Marius Rio Aceremo ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Turnouts and Accomplishments na may kaugnayan sa Regional Conditional Cash Transfer (RCCT) para sa ordinaryong benepisyaryo na kabilang sa mga kategoryang edukasyon, kalusugan at rice subsidy na pinondohan ng P113,107,600 at may disbursement na P97,439,171 gayundin ang Modified Conditional Cash Transfer (MCCT) para sa mga katutubo na may pondo na P11,494,300 at disbursed na P11,464,100.
Samantala, naitala rin ng DSWD ang bumababang bilang ng mga 4Ps Household Beneficiaries para sa ikatlong kuwarto ng taon na kung saan ang mga aktibong miyembro noong Marso ay nasa 53,896 na bumaba noong Hunyo na 40,232 at nito lamang Agosto ay nasa 38,526. Ito ay sa dahilan na ang iba ay nakapagpatapos na ng mga anak sa pag-aaral habang ang iba ay napag-alaman na ginagamit ang pera sa maling paraan.
Bukod dito, tinalakay din ang estado ng mga nabakunahan, bilang ng mga batang mino-monitor kontra bilang ng mga batang pumapasok sa paaralan gayundin ang mga hindi nag-aaral, massive updating at iba pa. (DPCN/PIA MIMAROPA – Oriental Mindoro)