28.2 C
Manila
Lunes, Enero 27, 2025

Mandaluyong City govt idinaos ang 2nd college fair sa SM Megamall

- Advertisement -
- Advertisement -

IDINAOS ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong ang ikalawang B.A.A. College Fair sa event center ng SM Megamall para mabigyan ng magandang oportunidad ang mga estudyante na makapili ng gusto nilang kurso sa kolehiyo.

Pinangunahan ni Mandaluyong City Vice Mayor Menchie Abalos (ikaapat mula sa kaliwa) at Councilor Benjie Abalos (ikatlo mula sa kaliwa) ang pagbubukas ng 2nd B.A.A. College Fair na idinaos sa Event Center ng SM Megamall. May 40 kolehiyo at unibersidad ang lumahok sa aktibidad.Kasama din sa larawan, mula sa kaliwa, sina- Councilor Elton Yap, SM Megamall AVP for Operations  Christian Mathay, Councilor Mike Ocampo at DepEd Mandaluyong School Division Supt.  Dr. Aurelio Alfonso

Ang “Be Academically Aware: A Scholastic Guide to Shape Our Future” ay proyektong isinulong nina Mandaluyong City Mayor Ben Abalos, Vice Mayor Menchie Abalos, at ni Councilor Benjie Abalos at bukas sa mga estudyanteng Grade 12 kahit na hindi nag-aaral sa Mandaluyong.

Sinimulan ang proyektong “Be Academically Aware” College Fair noong Disyembre ng nakaraang taon. Layunin nito na pagsamahin sa iisang lugar ang mga kolehiyo at unibersidad para ialok ang kanilang mga kurso sa mga estudyanteng Grade 12 para sa kanilang pagpasok sa kolehiyo sa susunod na taon.

Mayroong mahigit 30 eskwelahan na matatagpuan sa Metro Manila ang lumahok sa idinaos na college fair noong nakaraang taon. Para naman sa taong ito ay may lumahok na 40 eskwelahan kabilang ang Polytechnic University of the Philippines (PUP), University of Santo Tomas (UST), University of the Philippines-Manila, San Beda College, De La Salle University, Colegio de San Juan de Letran, Mapua University, at ang bagong bukas na Mandaluyong College of Science and Technology (MCST).

Ayon kay Councilor Benjie Abalos, na siyang nakaisip ng nasabing programa, ay noong magtatapos pa lamang siya ng high school ay ginawa niya rin na bumisita sa iba’t ibang eskwelahan para makapag-apply sa kursong kaniyang kinuha sa kolehiyo. Kaya’t kaniyang iminungkahi kay Mayor Ben na magkaroon ng isang college fair ang pamahalaang lungsod para mabawasan ang gastos sa pamasahe at ang masasayang na oras sa biyahe ng mga kabataan.

Inaprubahan agad ni Mayor Abalos ang panukalang college fair dahil, para sa kanya, may mas magandang kinabukasan ang taong nakapagtapos ng kolehiyo.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -