31.5 C
Manila
Martes, Nobyembre 26, 2024

DOLE Oriental Mindoro, nagsagawa ng job fair sa lungsod ng Calapan

- Advertisement -
- Advertisement -

PINANGUNAHAN ng Department of Labor and Employment (DoLE) Oriental Mindoro ang pagsasagawa ng Calapan City Peso Job Fair kung saan nasa 36 na aplikante ang hired on-the-spot na isinagawa sa CityMall, Brgy. Ilaya, Calapan City, Oriental Mindoro noong Setyembre 12.

Umabot sa 36 na aplikante ang natanggap o hired on-the-spot (HOTS) sa isinagawang Calapan PESO Job Fair kamakailan. Larawan mula sa DOLE Oriental Mindoro

Nasa 17 employers ang nakilahok sa naturang gawain upang tumanggap ng mga aplikante. Umabot naman sa 181 ang mga nag rehistro para sa gawain, kung saan 110 dito ay mga babae at 71 naman ang lalake. 36 ang natanggap sa mismong araw na iyon o may katumbas na 20 porsiyento mula sa kabuuang bilang.

Ibinahagi naman ni DoLE Oriental Mindoro Provincial Head Roderick Tamacay na ang pakikilahok ng napakaraming bilang ng aplikante sa gawain ay nagpapakita lamang na epektibo ang implementasyon ng mga job fairs sa lalawigan.

Binigyang pagpapahalaga naman ni Calapan City Peso Manager Dr. Eder Apolinar Redublo ang kahalagahan ng gawain, aniya ang aktibidad na katulad nito ay nagbibigay oportunidad sa mga Mindoreño na naghahanap ng trabaho na mailapit sa mga employer.

Bukod sa job fair, nagsagawa rin ang Philippine Statistics Authority (PSA) ng mobile services katulad ng fingerprint biometrics, iris scans, at face photographs upang masiguro ang mas maagap at madaling aplikasyon ng mga dumalo sa mga susunod pang kahalintulad na gawain.

Pasasalamat naman ang ipinaabot ng ilan sa  mga natanggap sa mismong araw ng gawain, anila, kaba ang unang naramdaman nila nang sila ay sumailalim sa panayam ng mga employer, ngunit napalitan naman ito ng galak ng malaman na sila ay natanggap.

Dagdag pa ng ilan na malaking tulong ito sa kanila na nagsisimula pa lamang pasukin ang mundo ng pagtatrabaho. (JJGS/PIA Oriental Mindoro)

 

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -