32.6 C
Manila
Martes, Nobyembre 26, 2024

Busuanga, may tatlong bagong sasakyang pang-emergency

- Advertisement -
- Advertisement -

MAY  tatlong bagong sasakyang pang-emergency ang Lokal na Pamahalaaan ng Busuanga, pahayag ni Mayor Elizabeth Cervantes.

Pinabasbasan ng LGU-Busuanga ang kanilang mga bagong sasakyang pang-emergency kamakailan. (Larawan mula sa LGU-Busuanga)

Ang nasabing mga bagong sasakyan ay ang dalawang ambulansiya at isang emergency response vehicle na pinabasbasan kamakailan ng LGU-Busuanga kay Rev. Father Anthony Cary Ducado.

Ayon kay Cervantes, ang isang ambulansiya ay mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa pamamagitan ni General Manager Mel Robles. Nagkakahalaga ito ng P2.2 Milyon.

Ang isa pang ambulansiya ay binili naman ng lokal na pamahalaan sa halagang P2.099 milyon mula sa 20 porsiyento ng Development Fund.

Samantala, ang isang brand new utility van fb type na para sa emergency response operations ay mula naman sa capital outlay at nagkakahalaga ito ng P1.319 milyon.

Ang pagbabasbas nito ay sinaksihan ni Cervantes, Sangguniang Bayan Members, Municipal Health Officer Dr. Lesaldeo Moses Princesa, at mga Municipal Department Head.

Malaki ang pasasalamat ng alkalde na nagkaroon ng karagdagang mga ambulansya at emergency response vehicle ang Busuanga para sa mas mabilis na pagresponde sa panahon ng pangangailangan.

Ayon sa alkalde, tugon ito sa lumalaking pangangailangan ng mga taga-Busuanga sa panahon ng sakuna at mga pasyenteng kailangang dalhin sa ospital. (OCJ/PIA Mimaropa-Palawan)

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -