28.5 C
Manila
Huwebes, Disyembre 26, 2024

District hospital, itatayo sa Bondoc Peninsula, Quezon

- Advertisement -
- Advertisement -

MAS maayos na serbisyong pangkalusugan ang naghihintay para sa mga residente ng Catanauan, Quezon sa pagsisimula ng konstruksyon ng Bondoc Peninsula District Hospital.

Kamakailan ay pinangunahan ni Governor Helen Tan at mga opisyal ng Department of Health (DoH) at Department of Public Works and Highways (DPWH) ang groundbreaking ceremony para sa itatayong ospital na bahagi ng Quezon Provincial Hospital Network.

Ayon kay Tan, ang tatlong-palapag na gusali ay may kabuuang sukat na 11,000 square meters kung saan maglalagay ng pasilidad gaya ng emergency room, dialysis area, pharmacy, operating rooms, at laboratory.

Aniya, ang pondo na P30 milyon para sa pagpapatayo ng ospital ay magmumula sa DoH sa ilalim ng Health Facility Enhancement Program (HFEP) nito habang P50 milyon naman ay manggagaling sa DPWH Quezon Third District Engineering Office sa inisyatibo ni Senator Imee Marcos.

“Layunin po ng  proyektong ito  na mabigyan ng magandang serbisyong pangkalusugan ang bawat mamamayan sa bayan ng Catanauan at mga karatig bayan nito,” ani Tan.

“Nagpapasalamat din po tayo kay Sen. Imee Marcos sa pagsuporta sa proyektong ito gayundin sa DPWH Quezon-3DEO at maging sa Department of Health sa paglalaan ng pondo upang maisakatuparan ang proyektong ito,” sabi pa ng gobernador

Dumalo rin sa okasyon sina  Vice Governor Third Alcala, Third District Representative Reynan Arrogancia, Board Member John Joseph Aquivido, DoH Calabarzon Regional Director Dr. Ariel Valencia, at Chief of Hospital Dr. Rosaline Ojastro  upang ipakita ang kanilang suporta sa nasabing proyekto. (RMO, PIA QUEZON)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -