AYON sa Department of Health (DoH), tinatayang may kakulangang 114,743 nurses sa Pilipinas nitong December 2022 at ayon sa Professional Regulatory Commission (PRC) 53.55 porsiyento ng mga rehistradong nars ang aktibo at nagtatrabaho sa health sector.
Pinasalamatan din ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Private Sector Advisory Council-Healthcare Sector Group para sa kanilang naisip na programang ito na aniya ay bunga ng pagkakaisa ng pamahalaan at ng pribadong sektor pangkalusugan.
“Indeed, the nation cannot and will not stand on the grit and energy of just a few,” (“Tunay nga na ang ating bansa ay hindi kaya at hindi basta tutuntong sa tapang at kapangyarihan ng iilan,”) ani Pangulong Marcos.
Kung kaya, hinimok ng Pangulo ang lahat na kasama sa programa na umaksyon agad ayon sa kondisyon ng MoU at huwag nang patagalin pa na ituro ang pinakamataas na antas ng kakayahan, hospitality at pagseserbisyo kung saan kilala ang mga Pilipino sa buong mundo.
Inatasan din ng Pangulo ang DoH at CHEd na subaybayan ang pagpapatupad ng CCA Upskilling Program at tiyakin na nakasunod ito sa global standards.
Hinimok din ng Pangulo ang mga di pa pasadong nursing graduates na gamitin ang oportunidad na ito at mag-apply na sa naturang programa. Aniya, hindi titigil ang pamahalaan na maghanap ng mga solusyon para tugunan ang mga problemang pangkalusugan sa Pilipinas.
“And to the underboard nurses out there who are contemplating on what to do next: I call on you to apply for this program and embrace the support being wholeheartedly given to you by the government and the institutions that we represent,” (“At sa mga hindi pa nakapapasang nars dyan na nag-iisip kung ano ang susunod na gagawin, hinihimok ko kayo na mag-apply sa programang ito at yakapin ang suportang buong-pusong ibinibigay sa inyo ng pamahalaan at ng mga institusyon na aming kinakatawan,”) sabi ni Pangulong Marcos.
“I invite you to participate and witness just how much development we can bring to the healthcare sector and the nation while you work to fulfill your most noble calling. So, let me say it again: We will not stop working until we address every major problem hindering our people from living their best – and healthiest – lives,” (“Inaanyayahan ko kayo na makilahok at saksihan kung gaano kalaking development ang kaya nating dalhin sa healthcare sector at sa bansa habang ginagampanan ninyo ang dakila ninyong tungkulin. Hayaan nyo sabihin ko itong muli: Hindi tayo titigil hangga’t hindi natin nareresolba ang bawat malaking suliranin na pumipigil sa taumbayan na magkaroon ng pinakamahusay at pinakamalusog na pamumuhay,”) dagdag pa niya.
“We will continue striving until such a time that our Filipino professionals choose to work in their own country, and be known for providing excellent service here at home, just as much as we are known for being exemplary healthcare providers in the rest of the world.” (“Patuloy tayong magpupunyagi hanggang ang mga Pilipinong propesyonal ay piliin nang dito sa bansa maghanapbuhay at makilala dahil sa pagbibigay nila ng pinakamaayos na serbisyo dito sa bansa, gaya ng pagkilala sa mga Pilipino bilang pinakamagagaling na healthcare providers sa buong mundo,”)
Ayon sa Pangulo, ang CCA Upskilling Program ay isa lamang sa mga pangunahing programa ng administrasyon tungo sa “Bagong Pilipinas.”
Samantala, mariin namang kinondena ng Filipino Nurses United, isang samahan ng mga Pilipinong nars, ang malaking pagbawas sa budget para sa mga pampublikong ospital.
“We, along with other health organizations and hospital union, strongly protest this proposed budget for not being responsive to the people’s health needs amid intensifying inflation and poverty. The proposed budget cuts would mean less access to essential health services that will be worse because there is no provision for hiring of additional health human resource, notably nurses, given the serious understaffing in public hospitals and even in private health facilities. There is also no allocation for nurses’ salary upgrade and even for the regularization of contractual nurses many of whom have long-served the public especially during the pandemic,”(“Kami, kasama ang ibang health organizations at hospital union, ay mariing tinututulan ang panukalang budget dahil hindi ito tumutugon sa pangangailangang pangkalusugan ng mga tao sa gitna ng mataas na inflation at kahirapan.Ang panukalang pagbabawas sa budget ay nangangahulugan na mas kaunting kakayahang maabot ang mahahalagang serbisyong pangkalusugan na mas malala pa dahil walang nakalaan para sa pagkuha ng karagdagang tauhan, lalo na ang mga nars, sa kabila ng malaking kakulangan ng mga ito sa mga pampublikong ospital at maging sa mga pribadong health facilities. Wala ring alokasyon para lakihan ang sahod ng mga nars o maging sa regularisasyon ng mga contractual nurses na marami sa kanila ay matagal na nagserbisyo sa publiko lalo na noong pandemya,”) bahagi ng statement na inilabas ng grupo.
Nahaharap ang DoH sa P10-bilyong bawas sa budget para sa susunod na taon na papatak lamang sa P199.45 bilyon.
Ayon kay Senator Christopher “Bong” Go, chairman ng Senate Committee on Health and Demography, kailangan ng DoH ng karagdagang budget upang mas makakilos sa gitna ng epekto ng pandemya at iba pang mga problemang pangkalusugan.