IPINABABATID ng Komisyon sa Wikang Filipino sa pakikipagtulungan ng Unibersidad ng Santo Tomas at Sentro sa Salin ang Mga Dalumat at Realidad ng Pagsasalin: Pambansang Kumperensiya ng mga Tagasalin sa Pilipinas na gaganapin sa Setyembre 27–29, 2023 sa University of Santo Tomas.
Ito ay tatlong araw na kumperensiya na kung saan ay magtitipon ang mga baguhan at propesyonal na tagasalin upang talakayin ang industriya ng pagsasalin sa bansa; magbahaginan ng mga bagong idea sa pagsasalin; matalakay ang mga suliraning kinakaharap ng mga tagsalin; matukoy ang mga bagong trend sa pagsasalin; at makipag-ugnayan sa iba pang mga tagasalin. Tampok rin sa kumperensiya ang mga paksang ihaharap sa mga panayam, talakayan sa panel, breakout session, at oportunidad sa networking.
Ilulunsad ang Mga Dalumat at Realidad at maglalaan ng platform sa mga propesyonal at baguhang tagasalin na magtipon at matuto sa bawat isa.
Ang kumperensiya ay bukas sa lahat ng propesyonal na may iba’t ibang antas ng kasanayan. Para sa mga katanungan at karagdagang impormasyon maaaring mag-email sa [email protected]