26.4 C
Manila
Martes, Enero 21, 2025

Ang Audio-Biswal

REMOTO CONTROL

- Advertisement -
- Advertisement -

(Salin mula sa Tuesdays with Morrie)

NOONG  Marso, 1995, huminto ang isang limousine na sakay si Ted Koppel, ang host ng “Nightline” sa ABC-TV, sa kalyeng puno ng niyebe sa harap ng bahay ni Morrie sa West Newton, Massachusetts.

Naka-wheelchair na si Morrie nang mga panahong iyon, nasanay na sa mga taong tumutulong na buhatin siyang parang isang mabigat na sako mula sa kanyang silya hanggang sa kama at pabalik mula sa silya. Nagsimula na siyang umubo habang kumakain, at hirap na siyang ngumuya. Patay na ang kanyang mga binti; hindi na siya makalalakad pang muli.

Pero tumanggi si Morrie na ma-depress. Sa halip, naging isa siyang parang posteng kinikidlatan ng mga ideya. Isinulat niya ang kanyang mga iniisip sa dilaw na papel, envelope, folder, scratch paper. Sumulat siya ng mga maiigising pilosopiya tungkol sapamumuhay sa ilalim ng anino ng kamatayan: “Tanggapin mo ang maaari mong gawin at ang hindi mo na maaari pang gawin.”

“Tanggapin mo ang nakaraan bilang nakaraan, at huwag mo itong itanggi o itapon man lang”; “Matutunan mong patawarin ang iyong sarili at ang iba pang mga tao.” “Huwag mong isipin na masyado nang huli para makialam.”


Pagkaraan, mayroon na siyang lagpas 50 ng mga “aphorism” at ito na kanyang ibinahagi sa kanyang mga kaibigan.

Ang isa sa kanila, ang kasama niyang propesor sa Brandeis na nagngangalang Maurie Stein, ay sobrang nadala ng kanyang mga salita kaya’t ipinadala niya ang mga ito sa isang reporter ng Boston Globe, na sumulat ng isang mahabang artikulo tungkol kay Morrie.

Ang sabi ng headline:

ANG HULING KURSO NG ISANG PROPESOR: ANG KANYANG KAMATAYAN

- Advertisement -

Nabasa ng isang producer sa “Nightline” ang artikulo, at dinalaniya ito kay Koppel sa Washington, D.C.

“Tingnan mo ito,” ang sabi ng producer.

Sa isang iglap, may mga cameramen na sa sala ni Morrie at anglimousine ni Koppel ay nasa harap na ng kanyang bahay.

Ang ilan sa mga kaibigan at kapamilya ni Morrie ay pumunta para makilala si Koppel, at nang pumasok sa bahay ang kilalang journalist, nag-ingay sila sa excitement — lahat maliban kay Morrie, na itinulak ang kanyang wheelchair papuntang harapan, itinaas ang kilay, at pinatigil ang ingay sa pamamagitan ng kanyang mataas na tinig na parang umaawit.

“Ted, kailangan muna kitang i-check bago ako pumayag sa interbyu na ito.”

Lumatag ang kakatwang katahimikan, at pagkatapos ay pumasok na ang dalawang lalaki sa library ni Morrie. Isinara ang pinto.

- Advertisement -

“Naku,” ang sabi ng isang kaibigan sa may labas ng pinto.

“Sana’y hindi naman pahirapan ni Ted si Morrie.”

“Sa totoo lang, sana’y hindi pahirapan ni Morrie si Ted,” ang sagot naman ng isa.

Sa loob ng library, pinaupo ni Morrie si Koppel. Pinag-krus niya ang kanyang mga kamay sa kanyang kandungan at ngumiti.

“Sabihin mo sa akin ang isang bagay na malapit sa iyong puso,” simula ni Morrie.

“Sa puso ko?”

Pinag-aralan ni Koppel ang matandang lalaki. “Okay,” sabi nito nang maingat, at nagsalita siya tungkol sa kanyang mga anak.

Malapit sila sa kanyang puso, hindi ba?

“Mabuti iyan,” sabi ni Morrie. “Ngayon, sabihin mo sa akin kung ano ang iyong pananampalataya.”

Naging asiwa si Koppel. “Kadalasa’y hindi ako nagkukuwentotungkol dito sa mga taong ilang minuto ko pa lang nakilala.”

“Ted, malapit na akong mamatay,” sabi ni Morrie, nakatingin saibabaw ng kanyang salamin. “Wala na akong masyadong oras dito.”

Tumawa si Koppel. Okay. Pananampalataya. Nag-quote siya ngisang linya mula kay Marcus Aurelius, isang linya na pinaniniwalaan niya nang buong-buo.

Tumango si Morrie.

“Ngayon may itatanong ako sa iyo,” sabi ni Koppel. “Napanood mo na ba ang aking programa?”

Nagkibit-balikat si Morrie. “Dalawang beses yata.”

“Dalawang beses lang?”

“Huwag sanang sumama ang loob mo. Minsan ko lang napanood ang ‘Oprah.’”

“Well, sa dalawang beses na napanood mo ang programa ko, ano ang tingin mo rito?”

Natigilan si Morrie. “Iyong totoo?”

“Oo.”

“Naisip kong isa kang narsisista.”

Biglang tumawa si Koppel.

“Masyado akong pangit para maging isang narsisista.”

Maya-maya lang ay nagro-roll na ang mga kamera sa harap ng fireplace sa sala ni Morrie. Suot ni Koppel ang kanyang bughaw na Amerikana at naka-sweater na gray naman si Morrie. Tumanggi siyang magsuot nang magara o magpa-makeup para sa interbyu.

Ang kanyang pilosopiya ay hindi dapat ikahiya ang kamatayan; walasiyang balak lagyan ng pulbos ang kanyang ilong.

Dahil nakaupo si Morrie sa kanyang wheelchair, hindi nasapolng kamera ang kanyang tuyong mga binti. At dahil naigagalaw pa niya ang kanyang mga kamay — laging nagsasalita si Morrie nang gumagalaw ang kanyang dalawang mga kamay — nagpakita siya ng matinding damdamin nang ipinaliliwanag niya kung paano dapat harapin ang katapusan ng buhay.

“Ted,” sabi niya, “nang magsimula ang lahat ng ito, tinanong ko ang aking sarili, “Tatalikuran ko ba ang mundo, na tulad nang ginagawa ng maraming mga tao, o mabubuhay pa ako?’ Nagdesisyon akong mabuhay — o subukan pang mabuhay — sa paraang gusto ko, may dignidad, may tapang, may tuwa, may katahimikan.

“May mga umagang iyak ako nang iyak at ipinagluluksa ko ang aking sarili. Ibang umaga nama’y puno ako ng galit at sama ng loob.

Pero hindi ito nagtatagal. Pagkatapos ay tatayo ako at sasabihin ko sa aking sarili, ‘Gusto ko pang mabuhay . . .’

“Kinaya ko pa naman ang lahat hanggang ngayon. Kaya ko pa ba itong ipagpatuloy? Hindi ko alam. Pero tumataya ako sa aking sarili na kaya ko.”

Sobrang nadala si Koppel kay Morrie. Tinanong niya ang pagpapakumbaba na dala ng kamatayan.

“Well, Fred,” aksidenteng nasabi ni Morrie, at itinama niya ang kanyang sarili. “Ang ibig kong sabihin ay Ted. . .”

“Iyan ngayon ang talagang simula nang pagpapakumbaba,” sinabi ni Koppel, at pagkatapos ay tumawa ito.

Pinag-usapan ng dalawang lalaki ang buhay matapos ang kamatayan. Pinag-usapan nila ang pagiging mas dependent ni Morrie sa ibang mga tao. Kailangan na niya ng tulong para makakain at makaupo at makalipat mula sa kanyang lugar papunta sa gustong puntahan. Ano, tanong ni Koppel, ang kinatatakutan ni Morrie tungkol sa mabagal pero walang-habas na pagkabulok?

Tumigil si Morrie. Itinanong niya kung puwede ba niyang sabihin ang bagay na ito sa telebisyon.

“Puwede,” ang sabi ni Koppel.

Tumingin si Morrie nang diretso sa mga mata ng pinaka-kilalang interviewer sa Amerika. “Well, Ted, malapit na ang araw na may magpupunas na ng aking puwit.”

Lumabas ang programa isang Biyernes ng gabi. Nagsimula si Koppel sa likod ng kanyang mesa sa Washington, ang boses niya’s puno ng awtoridad.

“Sino si Morrie Schwartz,” sabi niya, “at bakit, pagkatapos nggabing ito, ay marami sa inyo ang mag-aalala na para sa kanya?”

Isang libong milya kalayo, sa aking bahay sa itaas ng burol, kaswal akong nagpapalipat-lipat ng mga istasyon sa telebisyon.

Narinig ko ang mga salitang ito sa TV set —“Sino si Morrie Schwartz?”—at bigla akong namanhid.

Unang klase ito na magkasama kami, noong tagsibol ng 1976. Pumasok ako sa malaking opisina ni Morrie at napansin ko ang hindi-mabilang na mga libro sa dingding, hile-hilera lahat sila. Mga libro sa sosyolohiya, pilosopiya, relihiyon, sikolohiya. May malaking rug sa kahoy na sahig at isang bintanang nagpapakita ng daanan sa kampus. Mayroon lamang isang dosena o lagpas pang mga estudyante doon, inaayos ang kanilang mga notebook at syllabi.

Karamihan sa kanila’y nakasuot ng manong at sapatos na kulay lupa at flannel shirts na may checkers. Sinabi ko sa sariling hindi madaling lumiban sa klaseng ganito kaliit. Siguro’y hindi ko na dapat kunin pa ang klaseng ito.

“Mitchell?” sabi ni Morrie, mula sa listahan ng attendance.

Itinaas ko ang aking kamay.

“Mas gusto mo ba ang Mitch? O mas gusto mo ang Mitchell?”

Hindi pa ako natanong nang ganito ng isang titser. Napatingin uli ako sa lalaking ito na nakasuot ng dilaw na turtleneck at berdengpantalong corduroy, ang pilak niyang buhok ay nalalaglag sa kanyang noo. Nakangiti siya.

“Mitch,” ang sabi ko. Mitch ang tawag sa akin ng mga kaibigan ko.

“Well, Mitch na rin ang itatawag ko sa iyo,” sabi ni Morrie, na parang nagsasara ng isang deal. “At Mitch?”

“Opo?”

“Isang araw, sana’y isipin mo rin ako bilang isang kaibigan.”

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -