MULING binigyang-diin ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman ang paninindigan ng administrasyon na palawigin pa ang mga programang pangkabuhayan sa pamamagitan ng panukalang 2024 National Expenditure Program (NEP).
“It is the Administration’s fervent hope that this budget will continue to lay the groundwork for future-proofing the economy and making the country’s growth inclusive and sustainable, not just for the Filipinos of today, but also for the future generations,” pahayag ni Secretary Pangandaman.
Mga livelihood at emergency employment program ng DoLE
Naglaan ang pamahalaan ng P2.28 bilyon para sa Integrated Livelihood Program ng Department of Labor and Employment o DILP, na naglalayong tumulong sa kabuhayan ng mga disadvantaged workers, indibidwal man o grupo.
Tinutugunan ng DILP ang pangangailangan ng mga komunidad na na isinasaalang-alang ang regional o local development priorities tulad ng off-farm/non-farm livelihood diversification sa rural agricultural economy at key employment generating sector (KEGS)-related projects.
Samantala, mula sa alokasyong P16.4 bilyon para sa DoLE Livelihood and Employment Program, nasa P12.9 bilyon ang mapupunta sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged Workers (Tupad) Program.
Bukod dito, naglaan ng P406.88 milyon para sa Adjustment Measures Program (AMP) upang magkaloob ng safety net program na susuporta sa mga proyekto at programang nagbibigay trabaho, kabuhayan, at iba pang pangangailangan ng mga Pilipino.
Mga livelihood program ng DSWD
Upang mapaigting pa ang kakayahan ng mga mahihirap na Pilipino na makapasok sa mga oportunidad na makatutulong sa kanilang kabuhayan, may panukalang P5.62 bilyon para sa Sustainable Livelihood Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Mayroon namang alokasyong P549 milyon para sa Implementation and Monitoring of PAyapa at MAsaganang PamayaNAn (PAMANA) Program, na naglalayong palawakin ang access ng mga komunidad sa socio-economic interventions.
Pagtutok sa sektor ng agrikultura at pangingisda
Aabot sa P1.35 bilyon ang panukalang pondo para sa Aquaculture Sub-Program ng Department of Agriculture na target palakasin ang teknolohiya ng bansa para sa breeding at larval rearing ng mga isda at siguruhin ang mataas na kalidad ng mga produkto.
Bahagi rin ng paglaban sa kahirapan, sa pamamagitan ng agricultural and fishery interventions, ang alokasyong P1.09 bilyon para sa Special Area of Agricultural Development (SAAD) Program Phase 2.
Karagdagang P210.9 milyon naman ang inilaan sa Major Crop-based Block Farm Productivity Enhancement Program ng Department of Agrarian Reform na naglalayong palakasin ang produksyon at kakayahang kumita ng mga sakahang pagmamay-ari ng Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs).
Maliban sa mga nabanggit, may mga programang pangkabuhayan ang Department of Migrant Workers, Department of Trade and Industry, at Department of Science and Technology upang higit na maiangat ang kabuhayan ng mga Pilipino sa susunod na taon.