27 C
Manila
Sabado, Enero 18, 2025

Nasa 100 senior citizens, PWDs natulungan sa patuloy na konsultasyong medikal at turn-over ng medical assistive devices ng PCUP

- Advertisement -
- Advertisement -

ANG Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) ay nagsasagawa ng serye ng pag-turn over ng mga medical assistive device para sa mga sektor na itinuturing na marginalized kabilang na ang mga Senior Citizens at mga Persons with Disabilities (PWDs) bilang bahagi ng pangako ni PCUP Chairman/CEO Undersecretary Elpidio Jordan na mapabilis ang pagbibigay ng pangunahing serbisyo sa mga mahihirap.

Si PCUP Chairman/CEO Undersecretary Elpidio Jordan Jr. sa wheelchair turnover sa Pandi, Bulacan.

Ngayong buwan, may planong magbigay ang Komisyon ng 10k na tulong pinansyal para sa mga hearing aids sa pamamagitan ng tulong ng Department of Social Welfare and Development Region 3rd para sa dalawang Senior Citizens at mga PWDs sa Bulacan matapos ang turn-over ng mga wheelchair sa apat na benepisyaryo sa parehong lugar.

“Ang kahirapan ay may maraming aspeto at ito ay nakakaapekto sa maraming sektor. Mayroon tayong mga maralitang kababayan na miyembro ng sektor ng kababaihan, at kasabay ng urban poor, may mga PWDs din na kasama sa sektor ng mga Senior Citizens. Kaya’t ang aming misyon ay magbigay ng tulong sa lahat ng kasapi ng marginalized groups, lalo na pagdating sa aspeto ng kalusugan,” ayon kay Undersecretary Jordan Jr. sa isang pahayag.

Noong unang bahagi ng taon, nag-organisa rin ang Commission ng 1-araw na orientation at service delivery caravan para sa halos 100 Persons with Disabilities sa Amana Waterpark, Pandi, Bulacan bilang bahagi ng pagdiriwang ng 45th National Disability Prevention and Rehabilitation Week (NDPR).

Para sa taong 2023, nais ng PCUP sa pamamagitan ng Project and Policy Development Unit na mabigyan ang mga PWDs at Senior Citizens sa iba’t ibang National Government Agencies at sponsors para sa kanilang mga pangangailangan pang-kalusugan.

Ang Presidential Commission for the Urban Poor ay may mandato na maging direktang tagapag-ugnay ng mga urban poor sa pamahalaan para sa serbisyong panlipunan at policy formulation.

 

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -