27.4 C
Manila
Martes, Nobyembre 26, 2024

DELEGASYON NG MONGOLIA MALUGOD NA TINANGGAP NG DOLE

- Advertisement -
- Advertisement -

Malugod na tinanggap ng Department of Labor and Employment (DoLE) ang Mongolian employers and business membership organizations para sa kanilang oryentasyon ukol sa mga batas-paggawa ng Pilipinas, mga pamantayan sa ligtas at malusog na lugar-paggawa at social dialogue noong Agosto 30, 2023, sa DoLE Central Office sa Intramuros, Manila. Tinanggap ni Occupational Safety and Health Center Deputy Executive Director Jose Maria Batino (ibabang larawan, kanan) ang simbolo ng pasasalamat mula kay Deputy Director and Advisor Erdenetugs Gur ng Mongolian Employers’ Federation (MONEF). Ang delegasyon ng Mongolia, na binubuo nina Enkhjargal Enkhtaivan, head ng General Coordination Department, MONEF; Tumen-Amar Otgonbayar, head ng Research Institute, Mongolian National Chamber of Commerce and Industry (MNCCI); Khulan Gandat, Policy and Strategy Department, MNCCI; at Purevtogtokh Ganbold, National Project Coordinator, International Labor Organization Country Office para sa China at Mongolia, ay sumailalim sa isang study tour sa bansa mula Agosto 28 hanggang Setyembre 1. Kuha ni Regie D. Mason, DOLE-IPS

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -