30.8 C
Manila
Sabado, Nobyembre 23, 2024

PCUP Inilunsad ang Service Caravan sa LUZVIMIN para sa Libu-libong Maralita

- Advertisement -
- Advertisement -

MATAGUMPAY na inilunsad ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) ang kanilang service caravan sa apat na probinsya sa Luzon, Visayas, at Mindanao para sa mga 3500 maralitang tagalungsod mula Abril hanggang Hulyo ng taong ito.

Masbate Caravan

Libu-libong pamilya ng mga maralitang tagalungsod mula sa probinsya ng Leyte, Bukidnon, Masbate, at Cebu ang nakinabang sa programang ito, at mas marami pa ang nakatakdang mabigyan ng serbisyo sa mga susunod na caravans sa Saranggani at Pampanga sa darating na buwan ng Agosto.

Sa isang pahayag, tiniyak ni PCUP Chairman/CEO Undersecretary Elpidio Jordan Jr. na magpapatuloy ang Commission sa service caravan upang masiguro na maaaring makuha ng mga komunidad sa malalayong lugar ang mga serbisyong iniaalok ng gobyerno.

“Ang aming prayoridad ay tulungan ang layunin ng Pangulo na mapabuti ang kalagayan ng mga marginalized sa buong Pilipinas at malaking tulong sa misyon na ito ang mga katuwang naming ahensya at pribadong organisasyon. Dahil sa kanila, mabilis na natutugunan ng PCUP ang mga pangangailangan ng mga maralitang tagalungsod. Makakaasa kayo na patuloy na maghahatid ng serbisyo ng gobyerno ang PCUP sa iba’t-ibang panig ng bansa ngayong taon,” pagwawakas ni Undersecretary Jordan Jr.

Ang Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor), Philippine Statistics Authority (PSA), Social Security System (SSS), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at Land Transportation Office (LTO) ay ilan sa mga matibay na katuwang ng komisyon mula nang ilunsad nito ang service caravans noong 2019. Bukod sa mga ahensiyang ito, nagkaroon rin ng koordinasyon ang PCUP ngayong 2023 sa iba pang pribadong at pampublikong organisasyon tulad ng Mercury Drug, Philippine Red Cross; Department of Labor and Employment; PopCom; Hope Foundation; at Ramon Aboitiz Foundation Inc. (RAFI).

Samantala, ang mga pribadong kumpanya at foundation na nakipagtulungan sa PCUP noong 2022 ay kasalukuyang nasa proseso ng pagbuo at pagsusuri ng renewal MoUs.
Layunin ng PCUP service caravan na mabigyan ng agarang tulong ang mga mamamayan sa mga programa at serbisyo ng gobyerno, pati na rin mula sa mga non-government organizations. Mula 2019 hanggang 2022, tinatayang nasa halos 120,000 Pilipino sa buong bansa na ang natulungan nito. Para sa 2023, ang unang caravan ay idinaos sa Palo, Leyte.

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -