31.7 C
Manila
Huwebes, Nobyembre 21, 2024

World Youth Day, muling isasagawa pagkatapos ng pandemic

- Advertisement -
- Advertisement -

GAGANAPIN ang ika-16 na International World Youth Day (WYD) mula Agosto 1 hanggang 6 sa Lisbon, Portugal na may temang “Mary arose and went with haste” (Lk 1:39), isang sipi sa banal na kasulatan na pinili ni Pope Francis.

Dumating si Pope Francis sakay ng popemobile para pangunahan ang evening vigil kasama ang mga kabataan sa Campo San Juan Pablo II sa Panama City, noong Enero, 19, 2019. AFP PHOTO

Sinimulan noong 1986 ni Pope John Paul 2nd, ang pandaigdigang pagtitipon ay karaniwang ginagawa tuwing dalawa o tatlong taon, ngunit dahil sa coronavirus pandemic ay hindi na naisagawa pagkatapos ng pinakahuling WYD sa Panama City noong 2019.

Mahigit 700 obispo at 20 kardinal ang dadalo, kasama ang 20,000 boluntaryo at pilgrims mula sa mahigit 200 bansa, ayon sa Vatican.

Ang WYD ay isang linggong pagdiriwang na umaakit sa daan-daang libong kabataan mula sa iba’t ibang bansa. Ang kaganapan ay bukas sa lahat ng mga kabataan na gustong maranasan at matutunan ang aral sa buhay ni Hesukristo. Ito ay isa ring paraan upang lumago ang pananampalataya at palakasin ang relasyon kay Kristo sa pamamagitan ng panalangin at mga sakramento.

Sa kanyang unang paglalakbay sa ibang bansa pagkatapos ng kanyang operasyon noong Hunyo, si Pope Francis ay nakatakdang gumawa ng 11 pampublikong pagpapahayag at magdaos ng maraming pagpupulong, at sa Sabado ay bibisita sa dambana ng Fatima sa hilaga ng Lisbon.

Sinabi ni Americo Aguiar, ang auxiliary bishop ng Lisbon na nag-aayos ng mga kaganapan kaugyan ng WYD, na maaaring magbago ang ilang elemento ng programa, depende sa kalusugan ng Papa, na regular na gumagamit ng wheelchair.

“We are aware of the limits of the Pope,” ani Aguiar, na nagsabi pang ginagawa ng mga organizer ang kanilang makakaya upang mai-angkop sa kakayanan ng Papa ang mga aktibidad kasama na ang pagbawas sa dami ng beses na dapat pumasok at lumabas ang pontiff sa isang kotse.

Humigit-kumulang 16,000 miyembro ng alagad ng batas, civil protection at medical staff ang ipapakalat para sa pagbisita ng Papa, ayon sa mga event official.

Isasara rin ang mga kalsada at mga istasyon ng metro, na isang malaking hamon para sa lungsod na may 550,000 mga naninirahan na abala na rin dahil sa mga turista.

Iskedyul ng Santo Papa

Ang WYD sa taong ito ay ang ikaapat na pamumuno ni Pope Francis, na naging pinuno ng Simbahang Katoliko noong 2013.

Ang huling tatlong kaganapan ay naganap sa Rio de Janeiro, Brazil noong 2013, Krakow, Poland noong 2016 at Panama City, Panama noong 2019.

Ngayong taon, kabilang sa aktibidad ng Santo Papa pagdating niya sa Lisbon sa Miyerkules, ang ikalawang araw ng WYD, ay ang pakikipagpulong sa mga opisyal, diplomat at religious figures bago makipagkita sa mga kabataan sa Huwebes at Biyernes.

Sa Sabado ng umaga, bibisitahin ni Pope Francis ang rural pilgrimage site ng Fatima, kung saan noong 2017 ay idineklara niya ang pagiging santo para sa dalawang batang pastol na isang siglo na ang nakalipas ay nagkaroon ng mga pangitain tungkol sa Birheng Maria.

Sa gabing iyon, ang papa ay mamumuno sa isang vigil sa waterfront ng Lisbon na Parque Tejo, bago ang isang misa na gaganapin sa parke Linggo ng umaga.  Ang parke ay napapalamutian ng mga kulay na berde, pula at dilaw na WYD flags.

Inaasahan ding makikipagpulong ng pribado ang Santo Papa sa mga biktima ng sekswal na pang-aabuso ng mga miyembro ng mga paring Portuguese.

Isang ulat na inilathala noong Pebrero ng isang independiyenteng komisyon, natuklasanan na hindi bababa sa 4,815 na mga bata ang sekswal na inabuso ng mga miyembro ng klero — karamihan ay mga pari — mula noong 1950.

Batay sa patotoo mula sa mahigit 500 biktima, napatunayan na sinubukang itago “systematically” ng hierarchy ng Simbahan sa Portugal ang pang-aabuso.

Ang mga resulta ng pagtatanong, na iniatas ng Simbahan sa bansa, ay isang nakapipinsalang dagok sa institusyon sa Portugal kung saan 80 porsiyento ng populasyon nito na humigit-kumulang 10 milyong katao, ay kinikilala bilang Romano Katoliko.

Gayunman, ilang grupo ng mga Katoliko ay matibay pa rin ang pananampalataya, lalo na ang mga estudyante, ayon kay Jose Pereira Coutinho, isang sosyologo sa Catholic University of Portugal, na nagsabi pa na malaking impluwensya rito si Pope Francis.

Delegasyon mula sa Pilipinas

Ngayong taon, ang mga delegadong Pilipino ay nagmula sa iba’t ibang diyosesis, kongregasyong pangrelihiyon, at mga organisasyong simbahan sa buong Pilipinas.

Ayon kay Father Jade Licuanan, executive secretary Episcopal Commission on Youth, ang ECY delegation ay aabot na sa halos 300 kalahok. Ang bilang ng mga pilgrims ay doble ng bilang ng mga ECY delegates na dumalo sa WYD sa Panama noong 2019 na umabot lamang sa 99.

Sa Catholic News Agency website, iniulat na apat na kinatawan mula iba’t ibang indigenous groups sa bansa ang kabilanga sa delegasyon ng Pilipinas sa WYD sa Portugal simula Martes.

Darating ang delegasyon sa Lisbon sa Martes ay pinamumunuan ni Bishop Severo Caermare ng Dipolog, vice chairman ng Episcopal Commission on Indigenous Peoples (ECIP) of the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Isang misa ang pinamunuan ni Caermare noong Linggo na dinaluhan ng mga “IP youth representatives” sa San Lorenzo Catholic Student Center sa Maynila.

Sa kanyang homily, binigyang-diin ng obisyo na ang IP delegation ay maaaring magbahagi ng kanilang “sense of trust in God and their sense of respect for nature” sa iba pang WYD pilgrims.

“To the indigenous people’s delegates, I wish you all the best on this particular pilgrimage,” ani Caermare, “as you try to be as you are, as indigenous, we, at the same time, are all one as we journey together in the fullness of the Father’s love.”

Sinabi naman ng Aeta leader na si Tubag Jugatan, ang kanilang imbitasyon para sa WYD ay nagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng Simbahan at mga katutubo.

“Hindi namin sasayangin ang pagkakataong ito na ipakita sa mga tao ang kultura ng tribong Aeta,” ani Jugatan, “bilang kultura ng aming grupo, inaasahan kong makilala ang aming pagkakakilanlan.” (“We will not waste this opportunity to showcase the culture of the Aeta tribe to the people,” said Jugatan, “as the culture bearer of our group, I am looking forward to having our identity recognized.”_

Si Jugatan, na matagal nang katuwang ng ECIP, ay ang chieftain ng Aeta communities sa lalawigan ng Zambales.

Bilang tagapagtaguyod para sa pangangalaga ng kanilang tradisyonal na kasuotan, sinabi ni Jugatan na isusuot niya ang kanyang loincloth o “bahag” sa buong pagtitipon ng WYD at sa kanilang pagbisita sa mga kalapit na bansa ng Portugal.

Bilang unang beses na kalahok sa WYD, si Jonalyn Camanso, isang miyembro ng Bukegnon-Magahat tribe sa Negros Occidental, ay umaasa sa mga karanasang naghihintay sa kanya sa Lisbon.

“Noon, naka-reserve lang kami sa kabundukan pero ngayon, masaya kami na makasali sa mga ganitong pagtitipon,” aniya.

Kasama rin sa IP delegation sina Jose Paje ng Higaonon tribe mula sa Misamis Oriental sa Mindanao at Arci Bandas ng Kankanaey tribe mula sa Benguet.

Ang Archdiocese of Manila ay may 34 delegado habang ang Cebu archdiocese ay may 45 pilgrims. Ang Couples for Christ naman ay may 30 kinatawan.

May 20 participants ang mula sa Pasig na magpapadala ng mga kinatawan sa unang pagkakataon bilang diocese. Noong mga nagdaaang WYD celebrations, ang mga pilgrims mula sa Pasig ay bahagi ng delasyon mula sa Manila archdiocese at Diocese of Cubao.

Iba pang impormasyon

Ang unang internasyonal na World Youth Day ay ginanap sa Roma noong 1986, kasunod ng dalawang matagumpay na pagtitipon ng mga kabataan sa kabisera ng Italya noong 1984 at 1985.

Ang mga sumunod na WYD ay ginanap sa Buenos Aires sa Argentina (1987), Santiago de Compostela sa Spain (1989), Czestochowa sa Poland (1991), Denver sa Estados Unidos (1993) at Manila sa Pilipinas (1995).

Sinundan ito ng Paris, France (1997); Roma muli noong 2000; Toronto, Canada (2002); Cologne, Germany (2005); Sydney, Australia (2008); Madrid, Spain noong 2011; at Rio de Janeiro, Brazil noong 2013.

Ang pinakamalaking kaganapan ay ang Maynila, na umani ng limang milyong pilgrims, sinundan ng Rio de Janeiro na may 3.7 milyon, at Krakow, Poland noong 2016 na may tatlong milyon.

Para sa WYD ngayong taon, isang app ang maaaring i-download ng libre at magamit sa kabuuan ng pagtitipon. Magiging available ang “Lisboa 2023” app sa limang opisyal na wika: Portuguese, English, French, Spanish at Italian. Maa-access din ito sa offline mode, na nagbibigay-daan sa pag-access sa halos lahat ng nilalaman kahit na sa mga sitwasyon ng limitadong pag-access sa internet.

Gamit ang pangalang “Lisboa 2023”, ang application ay ginawa ng MEO, bilang isang technological partner at founder ng WYD Lisboa 2023, at binuo ng Bliss Applications, na may layuning tulungan ang mga kalahok sa oryentasyon at logistik sa linggo ng WYD Lisboa 2023.

Bilang karagdagan sa pagtulong sa mga pilgrim na i-orient ang kanilang sarili sa lahat ng nangyayari at mangyayari sa buong linggo, papayagan ng application ang pag-activate ng mga notification, para sa mga huling minutong paalala at babala, at pag-access sa mga kapaki-pakinabang at pang-emergency na contact.

Bilang karagdagan sa pagbibigay sa buong programa para sa anim na araw ng WYD ng iskedyul ng mga kaganapan sa linggo para sa Central Events, Youth Festival, City of Joy at Rise Up Meetings, ang app ay maglalaman ng mapa. Ito ay magbibigay-daan na interactive na mahanap ang iba’t ibang mga kaganapan, mailarawan ang mga lugar at makahanap din ng impormasyon sa pagkain, inumin, mga palikuran sa lungsod, mga post ng kalusugan, mga istasyon ng pulisya, bukod sa iba pang mga serbisyo.

Sa dalawang tool na ito, agenda at mapa, mahahanap ng mga pilgrim ang iba pang impormasyon ayon sa kategorya, wika, oras, mga keyword o kahit na ayon sa kasalukuyang lokasyon ng gumagamit.

Ang lahat ng espirituwal na nilalaman ng araw, lalo na ang mga pagbabasa at kanta ng lahat ng Central Events, pati na rin ang opisyal na Himno at Panalangin ng WYD Lisbon 2023, ay maa-access mula sa seksyong Up2Pray.

Ang World Youth Day Lisbon 2023 theme song, na pinamagatang “Há Pressa no Ar”, ay inilabas noong Enero 2021. Ang kanta, na inspirasyon sa WYD Lisbon 2023 na tema na “Maria ay bumangon at nagmamadaling umalis” (LK 1:39), ay tungkol sa ‘oo’ ni Maria at tungkol sa kanyang pagmamadali upang makita ang kanyang pinsan na si Elizabeth.

Narito ang opisyal na World Youth Day prayer ngayong taon.

Our Lady of the Visitation,

you who arose and went with haste towards the mountain to meet Elizabeth,

lead us also to meet all those who await us

to deliver them the living Gospel:

Jesus Christ, your Son and our Lord!

We will go in a hurry, with no distraction or delay,

but with readiness and joy.

We will go peacefully, because those who take Christ take peace,

and welldoing is the best wellbeing.

Our Lady of the Visitation,

with your inspiration, this World Youth Day

will be the mutual celebration of the Christ we take, as You once did.

Make it a time of testimony and sharing,

fraternization, and giving thanks,

each of us looking for the others who always wait.

With you, we will continue on this path of gathering,

so that our world will gather as well,

in fraternity, justice and peace.

Help us, Our Lady of the Visitation,

to bring Christ to everyone, obeying the Father, in the love of the Spirit! Amen.

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -