FILIPINO-AMERICAN rapper Ez Mil opisyal nang inanunsyo ang pagpirma sa tatlong major labels – Shady Records ni Eminem, Aftermath Entertainment ni Dr. Dre at Interscope Records.
Ang singer-songwriter-producer-rapper ay nakatakdang ilabas ang DU4LI7Y: Redux, bilang deluxe edition ng kanyang 2022 LP, sa ika-11 ng Agosto, kasama ang kantang “Realest,” isang bagong single na tampok si Eminem.
Ayon sa pinalabas na pahayag mula sa website ng Shady Records, si Ez Mil ay ikalawang artist na nakapirma sa tatlong naturang label kasunod ni 50 Cent.
Maging si Eminem ay ibinahagi ang balitang ito sa kanyang Instagram account noong Hulyo 27: “Me and Dre back at it. Check @ezekielmiller aka Ez Mil out.”
Hindi rin nito pinalampas na ibahagi kung bakit nila inanyayahan ang Fil-Am rapper at ipinost pa sa X (Twitter) na: “This is why we signed him @EzMil27,” na may link sa kantang ‘Up Down (Step & Walk)’ ni Ez Mil.
Ayon din sa naturang pahayag, nang mailabas ang video ng ‘Up Down (Step & Walk)’ ni Ez Mil sa ilalim ng Virgin music noong Pebrero 2023, napansin ng mga Stan, fans ni Eminem, ang pagkakapareho ng flow ng dalawang artists.
At makalipas ang isang buwan, nakarating at napanuod na ito mismo ni Eminem na nabilib sa rapping skills ng 25 anyos na young artist kung kaya’t pinaluwas nila si Ez mula Vegas patungong Los Angeles, upang personal na makilala ito at kasama ni Dr. Dre, nagpalitan ng numero si Em at Ez, at dito na nga nila nabuo ang kantang ‘Realest’ at nauwi sa pirmahan ng kontrata. “We’ve never been out there signing a lot of artists, and one of the great things about how we built Shady is how selective we’ve been,” ayon kay Eminem na kilala din bilang Slim Shady, alter-ego ng rapper.
“And it’s even rarer that Dre and I sign something together – but I heard Ez’s music and was like, ‘This is really special’ so I took it to Dre. We both agreed it would be a great fit and we wanted to work with him right on the spot,” dagdag pa nito.
Ibinahagi rin ni Dr. Dre na, “I’m really only interested in working on s**t that sounds different from anything else going on out there, and only then if I feel I can really bring something to it. Em played me Ez and I had that feeling… that thing that happens when we both know we’ve found something special. And that was it…. let’s get to work.”
Si Eminem, na best-selling artists, ay nakilala bilang controversial rapper dahil sa pagsusulat ng mga nakakapasong liriko at matatalinong wordplay na madalas ay binabatay niya sa personal niyang karanasan. Samantala, si Dr. Dre naman ay nakilala sa pagtataguyod ng tunog ng West Coast hip-hop at gangsta rap, at naging miyembro din ng N.W.A na kinilala bilang isa sa pinakamatayog at pinakamaimpluwensyang grupo sa kasaysayan ng hip hop music.
Ang dalawa ay lumikha na ng walang kupas na musika at lalo pang nakilala nang ico-sign nila si 50 Cent sa kanilang label noong 2022, na tinaguriang rap immortal ng ilan sa mga kanta nito ay mag No. 1 sa Billboard Hot 100 gaya ng, ‘In Da Club’ at ’21 Questions.’
Nakilala sa rapping scene si Ez Mil nang inupload ng Wish USA at mag-viral ang video nitong kumakanta ng kanyang single na “Panalo,” isang rap song na may lirikong tampok ang tatlong lenggwahe – Filipino, Ingles at Ilokano.
Saliw sa tunog ng Cariñosa, isang Filipino folk dance, sinulat ni Ez ang ‘Panalo’ dahil ipinagmamalaki nitong Pinoy siya at nais niyang ilagay ang Pilipinas sa mapa, sa larangan ng international music scene.
Sa kasalukuyan, ang ‘Panalo’ ay may 79 milyon views mula nang ma-upload ito noong Enero 2021.
Tubong Olongapo, nakatira ngayon si EZ Mil sa Las Vegas, Nevada kasama ng kanyang pamilya.