25.9 C
Manila
Linggo, Enero 19, 2025

PBBM hinimok ang Kongreso na ipasa ang 12 pangunahing batas na makakatulong sa bansa

- Advertisement -
- Advertisement -

NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Kongreso para suportahan ang pagpasa ng 12 priority legislation na makakatulong para maiangat ang buhay ng mga Pilipino.

Si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasama sina Senate President Miguel Zubiri at House Speaker Ferdinand Martin Romualdez Larawan mula sa PIO

Sa kanyang SONA, sinabi niya na kailangang ipasa ang essential tax measures sa ilalim ng Medium-Term Fiscal Framework (MTFF).

Ang essential tax measures sa ilalim ng MTFF ay ang “Excise Tax on Single-Use Plastics; VAT on Digital Services; Rationalization of Mining Fiscal Regime; Motor Vehicle User’s Charge/Road User’s Tax; at Military and Uniformed Personnel Pension.

Nanawagan din ang Panulo sa Congress para sa pagpasa ng Amendments of the Fisheries Code; Amendment of the Anti-Agricultural Smuggling Act; Amendment of the Cooperative Code; at ang New Government Procurement Law.

Hiniling din ng Punong Ehekutibo na ipasa ang New Government Auditing Code; Anti-Financial Accounts Scamming; Tatak-Pinoy (Proudly Filipino) Law; The Blue Economy Law; Ease of Paying Taxes; LGU Income Classification; at ang The Philippine Immigration Act. Lea Manto-Beltran

 

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -