27.5 C
Manila
Sabado, Enero 18, 2025

Magagandang balita, pakiusap, babala at mga pangako sa SONA ni Pangulong Marcos Jr.

- Advertisement -
- Advertisement -

UMABOT sa isang oras at 14 na minuto ng ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.. Inilahad niya ang mga nagawa ng kanyang administrasyon mula sa ekonomiya, kalusugan, edukasyon at imprastraktura.

Nakiusap din siya sa Mataas at Mababang Kapulungan na ipasa ang mga priority legislations para maiangat ang buhay ng mga Pilipino. (Basahin ang kaugnay na artikulo sa isyung ito.)

Samantala, nagbabala rin siya sa mga tiwaling pulis na sangkot sa droga na tatanggapin niya ang kanilang pagbibitiw. Kasabay nito, sinigurado ng Pangulo na ipagpapatuloy niya ang kampanya laban sa iligal na droga, subalit magpo-pokus sa community-based treatment, rehabilitasyon, edukasyon at reintegrasyon upang masugpo ang pagiging drug dependent ng mga apektadong mamamayan. (Basahin ang kaugnay na ulat sa isyung ito.)

Malakas na ekonomiya

Ayon kay Pangulong Marcos Jr., nakapagtala ang Pilipinas ng pinakamataas na 7.6% growth o paglago noong 2022 na pinakamataas sa 46 taon.


Naniniwala rin siya na “Our road network plans must link not only our three major islands, but all prospective sites of economic development.” (Ang mga plano sa mga kalsada ay dapat mag-uugnay hindi lamang sa tatlong pangunahing isla ng bansa, kundi sa lahat ng mga lugar na uunlad ang ekonomiya.”

Tungkol naman sa Maharlika Fund, sinigurado niya na hindi ito mapupulitika.

Sa agrikultura, sinabi niya na papalakasin ang produksyon nito sa pamamagitan ng “consolidation, modernization, mechanization, and improvement of value chains” (“pagsasama-sama, modernisasyon, mekanisasyon, at pagpapabuti ng value chains”)

Binanggit din niya ang New Agrarian Emancipation Act at ang pagpasa ng Department of Water Resource Management na kasalukuyang pino-proseso.

- Advertisement -

Sa turismo, ibinahagi niya na aabot na ng bansa sa 62% ng 4.8-million target ng international visitors ngayong taon. Naniniwala siya na kaya ng Pilipinas na maging ‘investment destination.’

Sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs, naresolba na ang pagpapadala sa mga ito sa Saudi Arabia. Tinatayang 70,000 OFWs ang umalis na para mag-trabaho doon.

Libreng dialysis sa maraming Pilipino

Sa mga mahihirap na Pilipino na nagda-dialysis, sinabi ng Pangulo na hindi na sila dapat mag-alala dahil libre na ito para sa kanila.

“Upang mas lalo pang makatulong sa mga pasyente, ang dating 9o libreng dialysis sessions ay inakyat na natin sa isandaan at limampu’t anim. Mga kababayan, libre na po ngayon ang dialysis para sa karamihan ng Pilipino,” masayang sabi ni Pangulong Marcos Jr.

Inilahad ni Pangulong Ferdinand Beltran Jr and mga nagawa ng kanyang administrasyon sa kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA).

Idinagdag din ng Pangulo na may 3.4 milyong Pilipino ang tumanggap na ayudang pangkalusugan sa ilalim ng programang Medical Assistance for Indigent Patients (MAP) ng Health Department.

- Advertisement -

Iniulat din ng Pangulo na gumagawa na sila ng paraan upang matugunan ang kakulangan ng mga doctor at nurse sa bansa.

“Tinutugunan na natin ngayon ang ating kakulangan sa mga doctor at mga nurse, sa pamamagitan ng mga reporma sa edukasyon, patuloy na pagsasanay, at paniniguro sa kanilang kapakanan,” paliwanag ng Pangulo.

Sinabi niya na nakapagpadala na ng mga mga doctor sa halos 200 bayan sa bansa at nangakong magpapadala pa sa natitirang 19 bayan.

“Upang masuklian naman ang naging sakripisyo ng ating mga health workers sa pribado at pampubliko na mga ospital noong nakaraang pandemya, ipapamahagi na sa kanila ang kanilang Covid health emergency allowance at iba pang mga nabinbing benepisyo,” sabi ng Pangulo.

De-kalidad na edukasyon
Sinigurado ni Pangulong Marcos Jr. noong Lunes na bawat Pilipinong estudyante ay makakakuha ng de-kalidad na edukasyon sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Mataas ang kumpyansa ng Pangulo na sa ilalim ng pamumuno ng Bise Presidente at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte makakahabol ang mga estudyante sap pag-aaral na naantala ng Covid-19 pandemic.

Umabot sa 28.4 milyong mga mag-aaral ang bumalik sa paaralan ngayong taon, aniya.

Ipagpapatuloy ang “Matatag Agenda” para sa kabutihan ng mga mag-aaral at mga guro.
Pinalalakas, aniya ang school workforce. May 90 porsyento ng mga bagong posisyon ng mga guro, samantalang may mga idinagdag ding administrative personnel para maibsan ang hirap ng mga guro.

Ang “Matatag” na ang ibig sabihin ay stable, ay gagawing napapanahon ang mga kurikulum para makalikha ng mga may kumpyansa, handang mag-trabaho, aktibo at responsableng mamamayan; na gumagawa ng paraan upang mapabilis ang mga pasilidad at mga serbisyo, kasama na ang planong makapagtayo ng mga paaralan at silid-aralan.

Basahin ang ikalawang bahagi tungkol sa Imprastruktura sa susunod na labas ng Pinoy Peryodiko

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -