25.3 C
Manila
Lunes, Disyembre 16, 2024

LPA kahapon, bagyong Dodong na ngayon

15 lalawigan isinailalim sa signal no. 1

- Advertisement -
- Advertisement -

ANG low pressure area (LPA) at habagat noong Huwebes, Hulyo 13, ay isang Β Tropical Depression o bagyong Dodong na ngayon, Hulyo 14 ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (Pagasa).

Malalakas na ulan ang inaasahan sa susunod na tatlong araw simula ngayon Biyernes, Hulyo 14. TMT FILE PHOTO

Malalakas na ulan ang inaasahan sa Metro Manila, Cavite, Batangas, Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, Romblon, Palawan Antique, Western Visayas simula Biyernes.

Hindi bababa sa 15 lalawigan sa Luzon ang isinailalim sa Signal No. 1, kabilang ang Isabela kung saan unang nag-landfall ang bagyong Dodong.

Nasa storm alert ang Cagayan, Quirino, Nueva Vizcaya, Apayao, Kalinga, Abra, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, ang northern portion ng Pangasinan (San Nicolas, San Manuel, Sison, San Fabian, Pozorrubio, Bolinao, Bani, Alaminos City, Sual, Labrador, Lingayen, Agno, Binmaley, Dagupan City, San Jacinto, Mangaldan at Anda), ang northern at central portions ng Aurora (Maria Aurora, San Luis, Baler, Dipaculao, Dinalungan, Casiguran and Dilasag) at Isabela.

Kumikilos pakanluran-hilagang-kanluran sa bilis na 15 kilometro bawat oras (kph), ang bagyong Dodong ay may pinakamataas na lakas ng hangin na 45kph malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55kph, paliwanag ng Pagasa.

Sinabi rin ng Pagasa na ang habagat na pinalakas ng bagyong Dodong ay maaaring magdala ng “maraming ulan sa loob ng susunod na tatlong araw.”

Tinatayang tatawid ang bagyong Dodong sa kilu-kilong kalupaan ng Hilagang Luzon sa maghapon, ang tropikal na depresyon ay maaaring bumaybay sa hilagang-kanluran o hilaga hilagang-kanluran sa Lambak ng Cagayan sa susunod na mga oras bago lumiko sa mas kanluran hilagang-kanluran o kanluran at tumuloy sa kanlurang dagat ng Rehiyon ng Ilocos.

Pinag-iingat ng Pagasa ang mga mangingisda ng maliliit na bangka. May dagdag na ulat si Lea Manto-Beltran

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -