29.1 C
Manila
Biyernes, Nobyembre 22, 2024

Sandara Park tampok sa ‘The Super Stage by K-Pop in Manila’

- Advertisement -
- Advertisement -

INANUNSYO kamakailan ng Octoarts Entertainment na ang South Korean K-pop Idol na si Sandara Park ang karagdagang artist na tampok sa napipintong “The Super Stage by K-Pop in Manila” ngayong Agosto.

Ang poster ng Super Stage by K-Pop in Manila kung saan tampok si Sandara Park bilang isa sa mga headliners.

Mas kilala sa tawag na Dara, bilang miyembro ng 2NE1, siya ay inaasahan na maghahatid ng star power sa Super Stage, na lalo nang naging kapana-panabik dahil sa bagong album ng superstar.

Kasama rin ni Dara sa lineup ang iba pang kababaihan mula sa grupo ng Mamamoo+, KEP1ER at Lapillus na gaganapin sa Mall of Asia (MoA) Arena sa darating na August 11, 2023, 7 p.m. Magsisilbi din itong comeback gig ni Dara na huling nagtanghal sa bansa noong Hulyo 2022 bilang special guest ni Bambam ng GOT7.

Naging matunog ang pangalan ni Sandara sa Pilipinas nang ito ay sumali sa kumpetisyon na “Star Circle Quest” noong 2004 kung saan siya ay tinanghal na runner up.

Kinalaunan taong 2007, pagkatapos niyang lumabas sa iba’t-ibang proyekto sa TV sa bansa, lumisan si Dara patungong South Korea upang doon makipagsapalaran at maging trainee sa isang sikat na entertainment agency na YG.

Noong 2009, kasama ng kanyang mga kagrupo na sina CL, Minzy at Park Bom, opisyal na nag-debut si Dara sa grupong 2NE1 at doon mas nakilala ito dahil na rin sa mga kantang pinasikat nila gaya ng, “Fire,” “I Am The Best,” ” Come Back Home,” “I Don’t Care” atbp.

Kung saan itinuring na isa ang 2NE1 sa mga naunang grupo na nagpaingay sa tunog ng K-pop sa Pilipinas. Sila rin ang tanging babaeng grupo na naguwi ng tatlong daesang o main award sa MNET Asian Music Awards (MAMA) tulad ng Song of the Year, Artist of the Year at Album of the Year.

Tunay nga na pang-world class ang galing ng 38- anyos na singer na hanggang ngayon ay aktibo pa rin sa industriya at inaantabayanan ng mga DARAlings, fandom name ni Dara, ang solo comeback nito na nakatakdang ilabas ngayong Hulyo 12.

Ang 1st EP album ni Dara na pinamagatang ‘Sandara Park’ ay binubuo ng limang kanta, ang Play!, Dara Dara, T Map, Happy Ending at ang title track nitong ‘Festival’ na inaasahang matutunghayan ng live sa nalalapit na Super Stage by K-pop in Manila.

Sa mga nais humabol at makisaya sa makasaysayang pagbabalik ni Dara, maaring makakuha ng tickets sa iba’t-ibang SM Tickets Outlets sa bansa o magtungo sa  www.smtickets.com.

Sa presyong: P11,800 (VIP standing), P10,500 (VIP seated), P9,000 (Lower Box), P7,000 (Upper Box A), P5,500 (Upper Box B), P3,250 (General Admission A) at P2,750 (General Admission B) may pagkakataon ang DARAlings, kasama ng ibang fandom, na maging bahagi ng espesyal na gabi sa buhay ng kanilang mga idolo. May dagdag na ulat si Sthefanny Baylosis

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -