31.9 C
Manila
Linggo, Nobyembre 24, 2024

P40 dagdag-sahod, aprub na sa NCR

- Advertisement -
- Advertisement -

INAPRUBAHAN na ang P40 na pagtaas sa minimum wage sa National Capital Region, inihayag ng Department of Labor and Employment (DoLE) nitong Huwebes.

Sinabi ng NCR Regional Tripartite Wages and Productivity Board na inaprubahan ang pagtaas ng sahod noong Hunyo 26.

Ayon sa Wage Order NCR-24, ang mga non-agricultural worker ay makatatanggap ng P610 sahod kada araw mula sa dating minimum wage na P570. Ang mga manggagawa naman sa sektor ng agrikultura, at mga serbisyo at retail na establisyimento na mayroon 15 o mas kakaunting manggagawa, at mga manufacturing establishment na regular na kumukuha ng mas mababa sa 10 manggagawa ay tataas sa P573 kada araw ang sahod mula sa P533.

“These likewise result in a comparable 7 percent increase in wage-related benefits covering 13th-month pay, service incentive leave (SlL), and social security benefits such as SSS, PhilHealth and Pag-lBlG,” ayon sa pahayag ng DoLE.

Ang wage order ay magkakabisa pagkatapos ng 15 araw mula sa pagkakalathala nito, o sa Hulyo 16 ngayong taon.

“About 1.5 million full-time wage and salary workers earning above the minimum wage may also indirectly benefit as a result of upward adjustments at the enterprise level arising from the correction of wage distortion,” dagdag ng ahensya.

Gayunpaman, tinutulan ng mga grupo ng employer ang pagtaas ng suweldo ng mga manggagawa na nagsasabing maaaring magdusa ang maliliit na negosyo.

Sa isang Facebook post, kinumpirma ni Employers Confederation of the Philippines Director General Jose Roland Moya ang P40 dagdag-sahod dahil isa siya sa kinatawan ng employer sector na nag-apruba ng dagdag.

Hindi umano naging madali sa wage board na itakda kung magkano ang itataas. “Everyone, especially the minimum wage earners, suffers from the impact of the high inflation. Not all businesses can also afford any wage increase. It will also have repercussions on the large informal sector which comprises more than 60 percent of the economy,” ayon kay Moya.

Ang pinakahuling pagtaas ng suweldo na inaprubahan sa NCR ay noong Mayo 13, 2022 na nagkaroon ng bisa ng sumunod na buwan.

Umabot ito sa P33, na ginawang P533 ang minimum wage rate para sa mga manggagawa sa sektor ng agrikultura at P570 para sa non-agriculture private workers sa Metro Manila.

Matatandaang naghain ang labor sector ng P1,160 na bagong minimum na sahod na ibinatay sa naging inflation rate na umabot sa 8.1 porsiyento noong Enero at 8.7 porsiyento noong Pebrero, na nagpababa sa purchasing power ng P570 na minimum wage sa P488 lamang.

Mga manggagawa sa construction site. LARAWAN NI JOHN RYAN BALDEMOR
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -