27.5 C
Manila
Sabado, Enero 18, 2025

Epekto ng Manila Bay Reclamation pinag-aaralan

National Natural Resource Geospatial Database Office binuo ng DENR

- Advertisement -
- Advertisement -

NAGSASAGAWA ang pamahalaan ng cumulative impact assessment sa Manila Bay Reclamation upang matukoy ang mga epekto nito sa kapaligiran.

 

Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga LARAWAN MULA SA PCO

 

Ito ang ipinahayag ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga sa isang media briefing nitong Martes.

 


Nang tanungin tungkol sa posisyon ni Pangulong Ferdinand R, Marcos Jr. sa Manila Bay Reclamation matapos himukin ng ilang grupo ang chief executive na ipawalang-bisa ang lahat ng Environmental Compliance Certificates (ECCs) para sa Manila Bay Reclamation, sinabi ng kalihim na sa ngayon ay binigyan siya ng pagkakataon na magpresenta ng sama-samang pagtataya sa naging epekto ng mga indibidwal na proyekto na ang pagsusuri ay isingawa sa indibidwal na batayan.

 

“Globally po, ang practice whenever you have several projects in a single ecosystem, you need a cumulative impact assessment and so we are undertaking that,” aniya pa.

 

- Advertisement -

Idinagdag pa ng kalihim na ginagamit ng DENR ang baseline ng Manila Bay Sustainable Development Master Plan, na binuo noong nakaraang administrasyon, at inihahambing ito sa mga teknikal na paglalarawan sa iba’t ibang proyekto sa reklamasyon sa Manila Bay.

 

“Mayroon tayong mandamus na kailangan nating ipatupad, na ayon sa batas at desisyon ng Korte Suprema, at kailangan din nating suriin ngayon ang pinagsama-samang epekto ng lahat ng mga proyektong iyon.”

 

Sa kasalukuyan, sinabi pa ng DENR secretary na tinitingnan nila ang naging pagsunod sa mga tuntunin at kundisyon at nagsimula na rin silang makipag-usap sa mga kontratista.

 

- Advertisement -

Nang tanungin kung may nakikita silang anumang paglabag, sinabi ni Yulo-Loyzaga na mayroon silang ipatatawag na grupo para sa isang isang technical conference upang magbigay ng paliwanag sa potensyal na hindi pagsunod sa sa tuntunin at kautusan

“May mga issue for example na related to mga conditions na on the basis of which the ‘no objection’ was given by other departments and agencies. So, there are conditions that need to be complied with in order for the ‘no objection’ to actually take effect,” dagdag ng kalihim.

 

Ipinaliwanag ni Loyzaga na ang mga kundisyon ay nakasaad sa Environmental Compliance Certificate (ECC), kaya naman, masusing tinitingnan ng DENR ang bawat partikular na kondisyon at tinitingnan din kung sumunod ang mga kontratista o hindi.

 

National Natural Resource Geospatial Database Office (GDO) binuo ng DENR

 

Samantala, iniulat din ni Yulo-Loyzaga ang paglikha ng geospatial mapping tool ng pambansang kapaligiran at likas na yaman upang matukoy ang mga lugar para sa reforestation, pamamahala ng watershed pati na rin para sa mga patakaran sa paggawa ng pagmimina.

 

Ipinaliwanag ni Yulo-Loyzaga na ang National Natural Resource Geospatial Database Office (GDO) ay nabuo pagkatapos ng una niyang miting sa Pangulo.

 

Ayon kay Yulo-Loyzaga, and geospatial database ay gagamit ng satellite imagery at iba pang kagamitan para ma-proseso kung ano ang available na likas na yaman, kahalagahan nito at paano ito pamamahalaan nang Mabuti.

 

Sa pamamagitan ng tanggapang ito, maaaring i-account at matukoy ng DENR ang mga river basin, watershed, at kagubatan ng bansa.

 

“So, what this will do for us is it will allow us to identify saan ba ang priority in terms of forestation, reforestation, or where should be the water systems and infrastructure na dapat po ilagay natin in order to reach the most populations in need,” paliwanag ni Yulo-Loyzaga.

 

“Aside po sa forest and water, we’re looking also at land management. May mga foreshore lease ba diyan na hindi na ginagamit for the purpose na they were established for, puwede ba iyang gamitin sa ibang purpose, halimbawa. And of course our mineral resources na dati nang minamapa, pero ngayon po, we’re looking at the situation of the mineral resources given certain other data.”

 

Bukod sa mga gamit na iyon, ang opisina ng database ay maaari ring tumulong sa gobyerno sa climate change mitigation at carbon dioxide sequestration mula sa atmospera, ayon sa environment chief.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -