31.4 C
Manila
Biyernes, Nobyembre 22, 2024

Coldplay tickets, meron pa ba?

- Advertisement -
- Advertisement -

HALOS 24 oras matapos magbukas ang bentahan para sa Day 2 concert ng Coldplay Music Of The Spheres World Tour sa Pinas noong June 22, hindi pa rin ma-access ang online site kung saan puwedeng makabili ng mailap na tickets ng grupo.

Coldplay sa Manchester

Kahapon ay nakapag-tweet pa ang Live Nation PH, local promoter ng nasabing concert, 12 minuto matapos mag-umpisa ang bentahan na batid nila na may mga problema sa site at pahirapan ang pagkuha ng mga tiket. Anila, agad-agad din ay nai-report na nito ang problema sa SM Tickets, na siyang humahawak sa online selling ng concert.

Lumipas ang ilang minuto, 12:35 pm ng hapon ay nag-post ulit ang promoter sa kanilang social media na ayon sa SM Tickets ay maayos at gumagana na muli ang site. Ngunit nang bisitahin ng mga Coldplayers, ganoon pa rin ang nangyayari. Wala.

Sa dismaya ng ilang fans, pinutakte nila ang post ng Live Nation PH at nag-tweet gaya ni DK @dk*nofficial: “Running” lang naman, di sinabing “working” ❤️, may mahinahon din naman tulad ni V @yunt*eseokshi: “hello hindi niyo ba nababasa yung 170+ replies na hindi pa rin working??? lagi na lang kayo bulag bulagan sa mga concerns ng customers niyo,” mayroon naman ilan na nangangamba gaya ni Joonela @joonieriza9**: “Higit Isang oras na kaso wala pa din. Pano na po?? Postpone nyo na po kung ganto din lang,” at “Anong oras na poooo. Baka kapag gumana mamaya sold out na,” dagdag pa niya.

Mula sa social media account ng Coldplay, mapapansin na hindi pa sold out ang Day 2 sa Philippine Arena.

Maaaring nadinig sila ng nasabing promoter dahil bandang alas-dos ng hapon ay nag-post ulit ito sa kanilang account na nagsasabing ang online selling para sa January 20 concert ay kanila munang ipapatigil dahil sa isyung teknikal sa http://smtickets.com. Humingi din ito ng dispensa sa mga customers at mahabang pasensya at idinagdag na ang pisikal na bentahan o iyong pipila ka mismo sa mga nakatakdang outlets ay magpapatuloy pa rin.


Dahil nga dito ay lalong nadismaya ang mga fans at di napigilang ilabas ang galit online, sabi ni Nana “@t*thesaurus: “it’s been 2 hrs and ngayon lang kayo nag update 💀 are there even tickets available?💀💀💀,” Reg @sours*h: “what’s the point of pausing the site if you’re still going to continue onsite selling 😭 edi mauubos lang rin tickets??????” at mukhang sumuko na din ang ilan sa mga ito gaya ni Lance @lanceg*bg: “Wala na rin namang sense iresume online selling. Almost sold out na rin naman tickets according to those who are at physical stores. Ano ba naman yan.”

Gayunpaman, kailangan na siguro mag-tweet si Maine Mendoza para humupa na ang tensyon dahil maaalala na bago pa man ianunsyo na may Day 2 ang concert ng Coldplay, nauna na siya sa pagsasabing: “Wild! Day 2 in Manila cutieeeee” (https://twitter.com/mainedcm/status/1670981911072894976) bandang alas-diyes ng umaga at kinahapunan nga ay nagkatotoo ito: “Ayan naaaa!!! Meet and greet cutie? Chaaaar WAAAAAH good luck sa pag secure ng tickets on Thursday, Coldplayers!!! (https://twitter.com/mainedcm/status/1671040800699060225).

Hindi nga maipagkakaila ang kasikatan ng British Rock band na sa kasalukuyan ay may 100 milyong album na naibenta na, award-winning din ang ilan sa mga album nila na tampok ang classic hits gaya ng Yellow, Clocks, Fix You, Paradise, Viva La Vida, A Sky Full Of Stars at Orphans.

Ang bandang Coldplay ay nabuo sa London noong 1997 na binubuo nina Chris Martin, vocalist at pianist, guitarist nito na si Jonny Buckland, bassist naman si Guy Berryman, at ang kanilang drummer na si Will Champion.

- Advertisement -

Sa 20 taon ng Coldplay, mahigit 69 milyon ang monthly listeners nito sa Spotify. Idagdag mo pa ang pitong Grammy at siyam na BRIT awards, hindi na nakakagulat na pinipilahan at iniiyakan sila ng ating mga kababayan na nagnanais mapanuod tumugtog ng live ang banda.

Inanunsyo na din ng banda ngayong hapon, June 23, sa kanilang twitter ang one last show sa Asian leg na gaganapin sa Bangkok, Thailand, 4 February 2024.

Nakakalungkot man sabihin, malabo na ang Day 3 sa bansa. PH Coldplayers, bawi-bawi nalang next life.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -