31.7 C
Manila
Biyernes, Disyembre 27, 2024

Pasahe sa LRT Line 1 at 2 tataas sa Agosto 2

- Advertisement -
- Advertisement -

Simula sa Agosto 2, magpapatupad na ng taas singil sa pasahe ang Light Rail Transit, ayon sa Department of Transportation (DoTr).

Ang pamasahe ay tataas mula P11 sa P13.29. Madagdagan din ang pamasahe ng P1.21 kada isang kilometro ng nalakbay mula sa orihinal na P1 kada isang kilometro.

Ayon kay DoTr Assistant Secretary for Railways Jorjette Aquino, naniniwala ang DoTr na ang pagtataas ng pasahe ay makatutulong sa pagpapanatili ng mga sasakyang pampubliko tulad ng dalawang commuter-train.

Taong 2015 pa huling nagpatupad ng taas sa pasahe ang LRT 2.

Samantala, sinabi ni Sen. Mary Grace Poe noong Lunes na ang pagpapaayos ng serbisyo ng train at mga facilities nito ay dapat na nauuna bago aprubahan ang pagtataas ng presyo ng pamasahe.


Masakit ito sa bulsa lalo na para sa estudyante at mga mangagawa, dagdag pa ni Sen. Poe sa isang pahayag.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -