Magpapatupad ng pagbababa ng presyo ng petrolyo ngayong Martes.
Sa magkakahiwaly na pahayag, ibababa ng Pilipinas Shell, Petron, Caltex at Seaoil ang presyo ng gasolina ng P0.35 kada litro, diesel ng P0.10 kada litro at kerosine ng P0.30 kada litro.
Ang pagbaba ay magsisimula sa 6 a.m. maliban sa Caltex na sinimulan ang pagbaba ng 12:01 ng umaga.
Nagpatupad din ng pagbaba ang Cleanfuel at Petro Gazz.
Dahil sa apat na araw na trading patterns, nagkaroon na ng pagtataya ang Department of Energy (DoE) ng pagbaba ng presyo ng petrolyo.
Kapag bumaba ang presyo ng petrolyo, ano nga ba ang implikasyon nito sa ekonomiya ng bansa?
Dapat asahan ang pagbaba ng mga bilihin, ayon kay Wilson Lee Flores, isang ekonomista. Dapat aniya na maramdaman ang pagbaba ng presyo ng mga pangunahing bilihin.
Samantala, ipinaliwanag ni dating National Treasurer Professor Leonor Briones sa isang panayam na bagama’t may positibong epekto ito sa mga bilihin ay may downside rin.
Makaaapekto ito sa mga overseas Filipino workers na nagta-trabaho sa mga oil producing country. Maaari rin, aniya na maapektuhan din nito ang remittance ng mga OFWs kung hihina ang ekonomiya sa mga bansa kung saan sila nagta-trabaho.