28.3 C
Manila
Linggo, Nobyembre 17, 2024

“It’s Showtime” G na sa GTV

- Advertisement -
- Advertisement -

Tuloy na tuloy na nga ang walang humpay na pagpapasaya ng “It’s Showtime” dahil sa susunod na buwan ay mapapanuod na ang longest-running noontime show ng ABS-CBN sa GTV.

Ito ay matapos kumpirmahin sa isang pahayag ng ABS-CBN sa kanilang social media account ngayong Martes, na nagsasabing ikinalulungkot nilang ibalita na hindi na mapapanood ang naturang programa sa TV5.

“Pinahahalagahan namin ang magandang samahan na nabuo namin sa mga manonood tuwing tanghali. Dahil dito, minabuti naming tanggihan ang 4:30 pm time slot na inalok ng TV5 para sa programa,” ayon sa pahayag.

Sa halip, simula July 1, 2023 matutunghayan na ng madlang pipol mula Lunes hanggang Sabado, sa kaparehong oras, 12 ng tanghali ang “It’s Showtime” sa GTV Channel na pagmamay-ari ng GMA.

Bagama’t naapektuhan ang kanilang programa sa bagong programming ng TV5, taos-puso pa rin ang pasasalamat ng ABS-CBN kay TV5 Chairman Manny Pangilinan. Anila, dahil sa pagsuporta nito ay naihatid nila sa mas maraming manonood ang show.

Nagsimulang umere ang “It’s Showtime” sa TV5 noong Hulyo noong nakaraang taon.

Sa pangunguna ng unkabogable star na si Vice Ganda, at mga co-hosts nito na sina Anne Curtis, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Karylle, Kim Chiu, Amy Perez, Ogie Alcasid, Teddy Corpuz, Jugs Jugueta, Ryan Bang, Jackie Gonzaga, Ion Perez atbp., ang kanilang programa ay nasa ika-13 taon na. STHEFANNY BAYLOSIS

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -