Dinadakila, pinararangalan pinaka-idolo bayani ng bayan
Ang mga gunitang kanyang iniwanan
Sa tapang ng pluma ay ipinaglaban
Kalayaang hangad na sikil at daklot ng imbing dayuhan.
Mulang pagkabata nagisnan na niya
Ang maling palakad ng mga Kastila
Ang pang-aalipin at pag-alipusta
Pinaghimagsikan ng bata niyang diwa.
Sa tulong ng mga ulirang magulang
Siya ay nagsikap nag-aral na tunay
Siya’y naniwala na ang edukasyon
Sandatang papatay sa balighong layon.
Pinag-aralan niya mga karunungan
Mga kaalamang tutulong sa bayan
Iba’t ibang bayan ang kayang nilakbay
Pagdukal ng mga gintong kaalaman.
Sa yamang talino siya’y nagtagumpay.
Siya ay umani ng mga katoto
Sa bawat puntahang iba ibang dako
Sa kanyang pag-abot sa premyo
Kanyang naging hagdan pagdating dulo.
Nobelang sinulat na Noli at Fili ay mga panggising
sa tulog na isip ng mga kabayang tila naiidlip
At ang mga Frayle ito ang ginamit
Makulong si Rizal a siya ay mapiit.
Pambansang Bayani, Dr. Jose Rizal,
Karapatdapat kang tanghalin ng bayan
Sa murang gulang mo ikaw ay pinatay
Upang ipaglaban ang LAYA ng Bayan.