26.6 C
Manila
Biyernes, Enero 3, 2025

Pope Francis, nakalabas na ng ospital

- Advertisement -
- Advertisement -

NAKALABAS na ng Gemelli Hospital si Pope Francis Biyernes ng umaga kasunod ng isinagawang operasyon sa kanyang tiyan noong Hunyo 7.

Sa paglabas niya ng ospital, saglit na pinahinto ni Pope Francis ang kanyang sasakyan upang batiin ang mga taong naroroon.

Sa isang maikling pahayag noong Huwebes, ipinaalam ni Matteo Bruni, direktor ng Holy See Press Office, sa mga mamamahayag na lalabas na ng ospital si Pope Francis Biyernes ng umaga.

Sinabi ni Dr. Sergio Alfieri na maayos na ang kalagayan ng Santo Papa, mas mabuti pa kaysa dati.

Nang tanungin ng ilang mamamahayag ang Santo Papa tungkol sa kanyang kondisyon ay sinabi nitong “buhay pa ako.”


Nagpahayag din siya ng kalungkutan sa malagim na pagkamatay ng mga migrante sa Greece.

Bago tuluyang bumalik sa Vatican ay dumaan muna sa Marian Basilica ng Santa Maria Maggiore ng Roma si Pope Francis upang magdasal sa harap ng icon ng Mahal na Ina, si Salus Populi Romani.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -