27.2 C
Manila
Sabado, Enero 18, 2025

Phivolcs nagtala ng 6.2 lindol sa Batangas

- Advertisement -
- Advertisement -

NAKAPAGTALA ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng 6.2-magnitude na lindol ngayong Huwebes, na naramdaman din sa Maynila.

Sa mga advisory ng Phivolcs na naka-post sa kanilang Twitter at Facebook, nangyari ang lindol bandang 10:19 a.m. malapit sa Calatagan, Batangas.

Ang lalim ng pokus nito ay 103 kilometro at ang lindol ay tinatawag na tectonic. May dalawang uri ng lindol. Una, ang tectonic earthquake na nangyayari sa tuwing nagkakaroon ng biglaang paggalaw sa mga faults at plate boundaries. Ang “volcanic earthquakes” naman ay kapag nagkaroon ng pag-akyat ng lava o magma sa ilalim ng mga aktibong bulkan.

Ang naganap na lindol na naramdaman din sa Metro Manila ay walang kaugnayan sa kasalukuyang activity ng Bulkang Taal, ayon sa Phivolcs.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -